Jonas Gaffud aiming for Top 3 finish for Maxine Medina in Miss Universe

IMAGE Glen Sibonga / Noel Orsal

Jonas Gaffud on Maxine Medina's chances in Miss Universe 2016: "Kung matapat sa kanya yung tanong na masasagot niya nang maayos, e, di okay. Pero kasi, beauty-wise, performance-wise, alam kong pasok na pasok na siya."


Nagbigay ng update si Jonas Gaffud, Mercator president at mentor-manager ng mga sikat na Pinay beauty queens, tungkol sa kasalukuyang kalagayan at nararamdaman ng representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2016 na si Maxine Medina.

Nagkita raw kasi sila ni Maxine kagabi, January 11.

Kuwento ni Jonas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okay naman siya.

“Medyo na-stress lang siya nang konti kasi ang dami pang last minute na mga kailangang ihabol.

“Like, may mga gusto pa kaming ayusin na mga wardrobe.

“And then, may interview pa kasi siya sa ABS-CBN today, and may interview pa siya sa Miss Universe.

“So, bukas [January 13] pa siya magtse-check in sa Conrad Hotel.”

Si Jonas ang mentor ng Miss Universe winners na sina Pia Wurtzbach (titleholder, 2015); Janine Tugonon (first runner-up, 2012); Ariella Arida (third runner-up, 2013); Shamcey Supsup (third runner-up, 2011); at Venus Raj (fourth runner-up, 2010).

Nakausap ng PEP si Jonas nang maimbitahan siya upang saksihan ang press conference at contract signing para sa partnership ng Miss Universe Organization, Solar Entertainment, PLDT, Smart Communications, at TV5 para sa Miss Universe 2016.

Ginanap ang presscon kaninang umaga, January 12, sa PLDT office sa Ramon Cojuangco Building, Makati Avenue, Makati City.

MAXINE IS READY. Sa tingin ba ni Jonas, handang-handa na si Maxine na sumabak sa Miss Universe 2016?

Tugon niya, “Oo, reading-ready na iyon.

“I mean, kung matapat sa kanya yung tanong na masasagot niya nang maayos, e, di okay.

“Pero kasi, beauty-wise, performance-wise, alam kong pasok na pasok na siya.”

Nakita na niya ang iba pang mga kandidata, ano sa tingin niya ang chances ni Maxine?

“Well, I’m aiming for the top three. Gusto kong makapasok sa top three si Maxine.

“And then, from there, bahala na. Siyempre, positive dapat tayo,” sabi ni Jonas.

Ano ang ibinigay niyang advice kay Maxine?

“Well, sinabi ko na ito sa kanya, na huwag na niyang isipin yung pressure ng back-to-back win [after Pia].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I-enjoy niya yung host delegate siya.

“Every day i-welcome niya yung mga girls, ganyan, para in the event na manalo siya, e, di lahat gusto nila siya. Kasi nga, mabait siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN