Ian Veneracion breaks silence on rumor linking him to Jessy Mendiola

IMAGE Noel Orsal

Hindi raw nagpapaapekto si Ian Veneracion at asawang si Pam Gallardo sa mga intriga sa showbiz. Ipinagkikibit-balikat lamang daw nila ang mga walang basehang isyu, katulad na lamang sa pagkaka-link ng aktor kay Jessy Mendiola noong 2016.


Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Ian Veneracion tungkol sa lumabas na balita noong 2016 na diumano'y naghiwalay na sila ng asawang si Pam Gallardo.

At ang dahilan daw ng kanilang paghihiwalay ay ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola.

Pahayag ni Ian tungkol sa intriga, "I have no idea where it came from.

"That time, ilan ang nagtanong sa akin on the same day.

"Kaya ako, hindi ko na lang sinagot, kasi wala namang isyu, e."

Paglilinaw pa ng 41-year-old actor, hindi pa niya nakatrabaho si Jessy sa anumang proyekto.

Sa kabila ng intriga, hindi raw nagpaapekto ang asawa niya sa isyu.

Sabi ni Ian, "No, not even. Hindi man lang ako tinatanong ng wife ko, e.

"Ako nga nagpakita sa kanya, e, sabi ko, ‘O, sabi dito hiwalay na daw tayo.' Tapos ngumiti lang.

"Habang nagmi-mereenda kami, ipinakita ko sa kanya.

“Yung anak ko naman, 'You should sue these people, blah blah blah.'

Dagdag pa niya, "Ang tagal ko na sa showbiz, e, and people can say naman whatever they want.

"Pero sabi ko, 99 percent, I’ve been receiving kindness from the people, from the press, so it’s nothing."

Nauna nang itinanggi ni Jessy ang issue.

Read: Jessy Mendiola reacts to rumor linking her to Ian Veneracion

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media si Ian sa grand presscon ng pelikulang Ilawod, kung saan kasama niya sina Iza Calzado, Epi Quizon, Xyriel Manabat, Therese Malvar, at Harvey Bautista.


Mula sa direksiyon ni Dan Villegas, ipalalabas ang pelikula sa Janaury 18.

IAN AT 41. Marami ang nagsasabi na kung kailan tumanda ay saka naman gumanda ang takbo ng career ni Ian.

Bukod sa Ilawod, kakaere lang sa ABS-CBN ng primetime series niyang A Love To Last, kung saan kasama rin niya si Iza at ang leading lady niyang si Bea Alonzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati si Ian ay hindi rin makapaniwala sa nangyayari sa kanyang karera ngayon.

Saad niya, "Actually, no. Kaya lang, yun nga [kung kailan may edad na ako]…

"Totoo, kapag niloloko nga ako ng mga kaibigan ko na, ‘Uy, ganyan, ganyan…’ Kung kailan nagkaedad na ako, saka naging ganyan.

"Parang hindi naman ako affected, I just don’t take it personally.

"I’ve been doing this for my whole life. Sanay ka naman na minsan may camera, yung ganun, may attention.

"Pero hindi ko pini-personal, trabaho lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN