Max Collins ready to settle down with boyfriend Pancho Magno

IMAGE Instagram (@maxcollinsofficial)

Kapuso actress Max Collins told PEP that she and boyfriend Pancho Magno had talks about settling down. She hopes to tie the knot with Pancho once they have secured their future. 


Sobrang kasiyahan ang nararamdaman ni Max Collins dahil sa magandang takbo ng kanyang career, pati na ng kanyang love life.

Nakatakdang magdiwang ng kanilang ika-apat na anibersaryo ngayong taon si Max at ang kanyang boyfriend na si Pancho Magno.

"We're really just happy and we're trying to go stronger in church and in our careers as well," pahayag ng Kapuso actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Ever Bilena photo shoot, na ginanap sa Antipolo nitong Huwebes, January 12.

Ano ang pinaka nagustuhan niya kay Pancho?

Tugon ni Max, "He's very God-fearing. He's a gentleman, and he's just very caring and giving. Hindi siya selfish at all."

Handa na ba siyang iwan ang kanyang single life at magpakasal sa Encantadia cast member?

Mabilis na sagot niya, "Of course, of course.

"Yes, in the future.

"We're just really preparing for that, but that's the goal."

Napag-uusapan naman na raw nilang dalawa ang kasal.

Pero ayon kay Max, "We just have to make sure that we're ready."

Nararamdaman ba niyang anytime soon ay magpo-propose na si Pancho sa kanya?

"Oh, my gosh! Siguro, yeah," kinikilig niyang sagot.

"But then, parang napag-uusapan na namin na we're going to make sure that nakapag-ipon na kami, and when we're like financially steady, then go na, ready na."

BUSY CAREER. Ang Kapuso actress ang isa sa mga ambassador ng Ever Bilena at siya ring bagong calendar girl ng Asia Brewery para sa Cobra energy drink.

Maliban sa endorsements, hindi rin siya nawawalan ng acting projects.

Pahayag ni Max, "I just really feel blessed.

"I've always aspired to have a lot of projects and endorsements, but then I never really felt it would happen.

"Just the fact that it's happening, ang bait talaga ni Lord sa akin. I really happy."

Ibinahagi rin ni Max na looking forward siya sa bubuksang negosyo, isang home-service waxing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatakda niyang i-launch ang Be Bare sa susunod na buwan.

Pagbabalita ni Max, "Our website is bebare.ph so people can book through us.

"And we're also in Instagram, at @bebarewax and we also have this Facebook page.

"They can book us online, and someone will go to their house."

Kabilang ba sa mga plano niya ang magkaroon ng physical stall?

"We have an office, but there's no physical store. Because people will go to you and wax you," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN