Did James Yap and Michela Cazzola invite Kris Aquino to their son's baptism?

IMAGE James Yap Instagram

James Yap on present status of his life: "Masaya ako ngayon, lalo na si Baby MJ na talagang nakakatanggal ng stress. Okay naman ang buhay ngayon, relaxed at tahimik."


Bukas ng hapon, January 14, ang binyag ng anak nina James Yap at Michela Cazzola na si Michael James o Baby MJ.

Sa panayam ng radio program na Showbiz Talk Ganern ng DZRH sa Rain or Shine player kagabi, January 12, nagbigay ito ng ilang detalye tungkol sa binyag ng five-month-old son niya.

Ayon kay James, sa Sanctuario de San Antonio gaganapin ang binyag ni Baby MJ.

Twelve pairs na ninong at ninang ang kinuha nila. Karamihan ay mga non-celebrity na close friends nila.

Ang mga taga-showbiz at sports world ay ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola-Babao, ang manager niyang si Dondon Monteverde, at ang boss niya sa Rain or Shine na sina Terry Que at Raymond Yu.

Inimbita ba nila ang kanyang ex-wife na si Kris Aquino? Hindi ba nila naisip na kunin itong ninang, lalo na’t magkaibigan na rin naman sila?

Ayon kay James, laging magka-text sina Michela at Kris,

“So, hindi ko alam kay Mic. I think in-invite niya si Kris.”

Tatanungin pa raw niya si Michela kung nag-confirm na si Kris na pupunta o sina Joshua at Bimby na lang ang papuntahin.

“Hindi ko pa alam, kasi tinatanong ko si Mic two days ago, sabi hindi pa yata nag-confirm.”

ALL FRIENDS. Natutuwa naman si James dahil maganda ang pasok ng taong 2017.

Okay at magkaibigan na sila ni Kris, lalo na si Michela.

“Mas madalas silang mag-usap ni Mic kesa sa akin, e.

“Ako, okay lang, steady lang kami. Okay lang kami.

“Sana tuluy-tuloy na. Sana wala nang away!” natatawa niyang sabi.

Huli naman daw niyang nakasama si Bimby bago mag-Bagong Taon.

Kasunduan daw nila ni Kris na sa kanila ni Michela magnu-New Year si Bimby kasama si Joshua.

“Last na kita ko kay Bimb nung December 31, tapos nagkasakit.

“Sayang nga, e. Hindi siya nakapag-spend ng New year sa house, isinugod namin siya sa hospital nung 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero okay na siya ngayon,” banggit ng 34-year-old cager.

Iyon daw ang huling pagkikita nila ni Bimby, kaya sana raw ay makapunta ang anak niya kay Kris sa binyag ni MJ para magkita sila uli.

Sana raw ay maging regular na rin ang pagkikita nilang mag-ama.

“Okay naman kami ni Bimb, pero hindi pa talaga consistent na nagkikita kami.

“Pero sana darating yung time na talagang regular na nagkikita kami,” asam ni James.

BABY MJ’S FACE. Samantala, pumayag na rin daw si Michela na ilabas sa publiko ang buong mukha ng anak nila, pagkatapos nitong binyagan.

Mahigpit kasing ipinagbabawal ni Michela na ipakita o i-post sa social media ang buong mukha ng anak nila ni James.

Hanggang pa-side view lang ito dahil mas gusto raw ni Michela na manatiling pribado ang kanilang anak.

Happy fifth month baby Michael!!! ???????????? #myson

A photo posted by James Yap (@jamesyap18) on

Kuwento ni James, “Sinabi ko kay Mic na don’t expect na walang may magpu-post nito. So, you should be ready.

“Siyempre ano ‘yan, e... Ang pangit naman sabihin na huwag i-post ng mga guest.

“For me, okay lang, e.

“Si Mic, okay na rin. Sabi niya ready na siyang ipakita.”

Kaya masaya at excited na si James sa binyag ni Baby MJ, at okay na rin siya kay Bimby.

“Masaya ako ngayon, lalo na si Baby MJ na talagang nakakatanggal ng stress.

“Okay naman ang buhay ngayon, relaxed at tahimik,” sabi ni James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN