James Yap and Michela Cazzola's son Michael James christened

IMAGE @michelacazzola on Instagram

Nabinyagan na ang panganay na anak nina James Yap at Michela Cazzola na si Michael James, o Baby MJ, sa Sanctuario de San Antonio, sa Makati City, ngayong araw, January 14.


Ganap nang Kristiyano si Michael James Yap o Baby MJ, ang anak nina James Yap at Michela Cazzola.

Ginanap ang binyag sa panganay na anak nina James at Michela sa Sanctuario de San Antonio ng Forbes Park, Makati City, ngayong Sabado ng hapon, January 14.

Baptism of baby M ????

A photo posted by Mic (@michelacazzola) on

Ayon pa sa panayam sa Rain or Shine player na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, January 13, sinabi ni James na may 12 pares ng ninong at ninang si Baby MJ.

Karamihan dito ay non-celebrity at close friends nila.

Kabilang sa mga pinangalanang ninong at ninang ni James ay sina ABS-CBN broadcaster Julius Babao at asawa nitong si Tintin Bersola-Babao, ang manager niyang si Dondon Monteverde, at ang boss niya sa Rain or Shine na sina Terry Que at Raymond Yu.

Inimbita naman daw ni Michela si Kris Aquino, ang ex-wife ni James, ngunit hindi raw ito siguradong makakadalo.

Pero nangako raw ang Queen of All Media na papupuntahin niya ang mga anak na sina Bimby Yap at Joshua Aquino.

Read: Did James Yap and Michela Cazzola invite Kris Aquino to their son's baptism?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN