Kris Aquino answers netizen's question about ex-President Noynoy Aquino's court trial

IMAGE Instagram account of Kris Aquino (@krisaquino)

Kris Aquino answers netizen asking if former president Noynoy Aquino is ready for his court trial on a graft-and-plunder case: "Of course he is — INNOCENT people have nothing to fear."


Sinagot ni Kris Aquino ang isang netizen na nagtanong tungkol sa diumano’y court trial ng kanyang nakatatandang kapatid at dating pangulo ng Pilipinas na si Noynoy Aquino.

Matatandaang nitong Enero lamang ay may natanggap na graft-and-plunder complaint ang dating presidente dahil sa diumano’y shipment ng $141 billion in gold sa Thailand.

Nag-post ang Queen of All Media kahapon, January 14, ng picture niya kasama si Noynoy at ang mga anak niyang sina Josh at Bimby matapos ng isang family gathering.

Kuwento ni Kris: “Even if he won't admit it, Tito Noy has missed all of you who follow me on Instagram.

“We just came from my brother in law Manolo's birthday dinner... it's been a full day for us, I have an allergy (thank you Snapseed, I was able to hide the rashes/pantal on my face) & I have a runny nose & itchy throat. Benadryl time & a restful Sunday.”

Inulan naman ng iba’t ibang positibong comments ang post mula sa supporters ni Kris.

Subalit may isang netizen na may handle na @donn.nald na nagtanong, “hi x president ready for your court trial”


Sinagot naman din ito agad ni Kris sa comments section at sinabing “of course he is – INNOCENT people have nothing to fear.”

May isa rin siyang netizen na sinagot na tila tumutukoy sa naunang tanong.

Sabi niya, “friend, madali naman siyang sagutin. The TRUTH always wins.”


Nagpatuloy naman ang pambabash ni @donn.nald sa naging administrasyon ni Noynoy subalit klinaro niyang gusto niya si Kris.




Dahil sa sunud-sunod na comment ng netizen ay muli siyang sinagot ni Kris.

Tugon niya sa basher, “when I 1st checked your account di ka naka private – my wish is that when people have the courage to be vocal in their criticism they will also have the courage to stand by their words & not suddenly hide.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN