Kristoffer Martin and Joyce Ching deny Christmas reconciliation rumor

IMAGE Bernie Franco

Former lovebirds Kristoffer Martin and Joyce Ching denied that they reconciled during the recent holiday season: "Marami nga po ang nagtatanong kung nagkabalikan na ba kami ulit. Sagot ko naman ay hindi. Hindi pa ito ang tamang panahon kasi. Pero hindi naman namin sinasara ang anumang possibility na magkabalikan kami."


Marami ang nakakapansin sa extra sweetness na ipinapakita sa isa’t isa ng Kapuso stars na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa set ng kanilang teleserye na Hahamakin Ang Lahat.

Marami tuloy ang nag-akala na nagkabalikan na ulit ang dalawa noong nakaraang Pasko.

Pero mabilis naman itong itinanggi ng dalawa nang makapanayam sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng naturang teleserye sa De Ocampo Medical Center in Sta. Mesa, Manila noong nakaraang January 11.

Pahayag ni Joyce, “Kami naman po ni Kristoffer, ganyan lang kami talaga.

“May lambingan moments lang kami sa set.

“But it doesn’t mean na kami na ulit.

“Marami nga po ang nagtatanong kung nagkabalikan na ba kami ulit.

“Sagot ko naman ay hindi. Hindi pa ito ang tamang panahon kasi.

“Pero hindi naman namin sinasara ang anumang possibility na magkabalikan kami.

“Unti-unti naman nang nabi-build up ulit yung magandang relationship namin.

“Yung trust kasi nandoon na ulit.

“Nagiging open na kami ulit sa isa’t isa.

“Pero like what I said, may tamang panahon para sa lahat.”

DEEPER FRIENDSHIP. Sumang-ayon naman si Kristoffer sa sinabing ito ni Joyce.

“Dahil nga po sa teleserye namin, mas lalo kaming naging close sa isa’t isa.

“Yung nasa stage na kami ulit na puwede na akong mag-share ng mga secrets sa kanya.

“Yung kaming dalawa lang ang nakakaalam.

“Masasabi ko nga po na mas maganda ngayon ang relasyon namin ni Joyce bilang magkaibigan.

“Mas relaxed kami sa isa’t isa ngayon kesa noong may relationship pa kami,” diin pa niya.

MISUNDERSTANDINGS. Inamin pa ng aktor na kaya sila nagkaroon ng mga misunderstandings ni Joyce noon ay dahil na mga pinagbabawal niyang gawin nito.

Ani Kristoffer, “Kasi maraming bawal sa akin noong kami pa.

“Hindi siya puwedeng mag-shorts or mag-sleeveless.

“May mga gano’n akong rules noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon kami nagkakaroon ng problema.

“Ngayon since wala naman kaming relasyon, malaya siyang isuot ang gusto niya and okey lang sa akin.

“Natututunan ko na kasing masanay sa kung ano ang mga gusto ni Joyce.

“Ito pala ang mga gusto niya. Kailangan respetuhin ko iyon.”

FREE TO ACCEPT SUITORS? Malaya naman daw tumanggap ng manliligaw si Joyce, pero hindi raw priority ng aktres ang magkaroon ng boyfriend.

“Wala namang nagpaparamdam kasi!” tawa pa niya.

“Baka kasi akala nila kami na ulit ni Kristoffer.

“Kaya ayun, umaatras yata sila.

“Pero wala muna sa akin ang ganyan.

“Mas gusto ko mag-work kesa pagpaligaw.

“Trabaho na lang muna tayo,” ngiti pa ni Joyce.

BIRTHDAY GIFT. Ano naman ang naging regalo ni Kristoffer noong nakaraang 22nd birthday ni Joyce noong nakaraang January 5?

“Pagmamahal!” tawa pa ng aktor.

“Kami naman ni Joyce, tuwing birthdays namin, hindi kami nagreregalo ng anumang material things.

“Tama na sa amin yung binabati namin ang isa’t isa.

“Mas nandoon yung sincerity.

“Kasi galing sa puso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN