LJ Reyes clueless about Ara Mina's issue with Pinulot Ka Lang sa Lupa staff

IMAGE Noel Orsal (LJ), Arniel Serato (Ara)

LJ Reyes hopes to continue working with Pinulot Ka Lang Sa Lupa co-star Ara Mina, "Gusto kong matuloy yung magandang nasimulan namin na working relationship. "


Nagulat si LJ Reyes na may isyu ang co-star niya sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa na si Ara Mina.

Si Ara ang gumaganap na tunay niyang ina sa upcoming afternoon drama series ng GMA Network.

Sa press conference ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa kagabi, January 17, sinabi ni LJ na hindi talaga niya alam na gusto nang umalis ni Ara sa kanilang teleserye.

Sa katunayan, marami-rami na rin daw silang eksenang nakunan para sa teleserye.

Saad ng Kapuso actress, “Hindi ko kasi nakita [ang post ni Ara].

“Tinatanong ako ng mga tao, pero wala po akong alam. Kasi galing po ako ng America.

“Actually, wala akong idea talaga. Medyo nagulat din ako na may ganun pagkauwi ko.”

Hindi pa rin naman daw sila nagkakausap mula nang lumabas ang isyu at makabalik si LJ sa bansa.

Pero kung si LJ ang tatanungin, sana raw ay magtuluy-tuloy na lang si Ara na gawin ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Sabi niya, “Siyempre naman, gusto kong makasama si Ate Hazel [Ara] sa show.

“Si Cristine [Reyes], yung kapatid niya, ka-close ko talaga yun. Palagi rin kaming nagkikita ni Ate Hazel.

“Gusto kong matuloy yung magandang nasimulan namin na working relationship.

“Kasi, marami na rin kaming nakunang eksena. Meron din kaming magagandang eksena na sayang naman.”

Ayon kay LJ, wala naman siyang napansing kakaiba o kaya'y problema mismo sa mga nakaraang taping nila.

“Yung taping naman namin, magaan naman. Lahat magkakasundo, lahat ng artista.”

Kaya nagulat daw siya na may isyu pala si Ara sa teleserye.

“Oo, shock ako. Noong tinatanong ako, 'Anong isyu?'

“Walang alam, e, kasi nga, galing akong America!” natatawang sabi niya.

Sinubukan ba ni LJ na tawagan o kumustahin si Ara nang malaman niya ang tungkol sa hinaing nito?

Sagot niya, “E, kasi, baka lang magmukha akong nakitsismis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas mabuti na siguro kung magkita kami in person.

“Puwede ko naman siyang tanungin if she’s okay or what.

“It’s between the production and Ate Hazel na, sila na lang.”


Stories We Are Tracking

Ara Mina quits GMA's <em>Pinulot Ka Lang Sa Lupa</em>
Ara Mina quits GMA's Pinulot Ka Lang Sa Lupa
Ara Mina a no-show at <em>Pinulot Ka Lang Sa Lupa</em> presscon
Ara Mina a no-show at Pinulot Ka Lang Sa Lupa presscon
Ara Mina confirms return to <em>Pinulot Ka Lang Sa Lupa</em>
Ara Mina confirms return to Pinulot Ka Lang Sa Lupa

ISSUE ON HER CHARACTER? May lumalabas na kesyo hindi raw yata nagustuhan ni Ara ang karakter nito sa teleserye, dahil nanay siya ni LJ.

Pero ayon kay LJ, biruan lang nila iyon ni Ara.

“Joke namin yun noong magkita kami sa storycon.

“Sabi namin, para namang mag-ate lang tayo.

“E, ganun naman ang artista talaga. Kung tatanggapin naman niya [ang role], I’m sure, wala naman siyang problema about it.

“Nakakatuwa nga kasi may rapport rin naman kami together sa acting, so I don’t think problema niya yun.

"So, hindi ko rin alam."

Kahit daw sina Victor Neri at Benjamin Alves, nagkakabiruan din na parang mag-kuya lang dahil ang dalawa naman ang mag-ama sa serye nila.

“Ganun na yata talaga, kasi, sobrang bata, hindi mo aakalain.

“Tingnan mo nga, si Ms. Jean Garcia, anak niya si Jennica Garcia, di ba? Ako, may anak na rin,” sabi ni LJ.

Gagampanan ni LJ sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa ang karakter ni Angeli, na orihinal na ginampanan ni Maricel Soriano sa 1987 film na idinirek ni Ishmael Bernal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN