Julie Anne San Jose says Benjamin Alves is the first guy she ever introduced to her family

IMAGE Noel Orsal

Hindi raw minamadali nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose ang kung anuman mayroon sila ngayon. Ini-enjoy daw nila ang kanilang samahan, lalo ngayong magkasama sila araw-araw sa taping ng afternoon drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa


Noong 2016 pa umusbong ang magandang pagtitinginan sa pagitan nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa raw pormal ang kanilang relasyon.

Kaya naman inasahan ng entertainment press na magkakaroon ng rebelasyon ang dalawa sa grand presscon ng pinagbibidahan nilang teleserye sa GMA Network, ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa, kagabi, January 16.

Ngunit nananatiling nasa "getting-to-know-each-other stage" pa rin daw sila.

Pagkatapos ng presscon proper, sabay na humarap sina Benjamin at Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang piling reporters.

Bakit hanggang ngayon ay ganun pa rin ang status nila?

Saad ni Benjamin, “We’re enjoying what we have, especially now that the show is starting, araw-araw na kami nagkikita, nag-uusap.

“And, you know, I appreciate her more ‘coz I see her every day. At mas nakikilala ko siya.

“At bilang nagti-taping kami araw-araw, siya lang ang nakikita ko, siya lang talaga.”

Ano pa ba ang hinihintay nila?

Ayon pa rin sa Kapuso actor, “Wala naman po kailangang i-rush, e.

“They say that the getting-to-know-each-other stage is the best part of a relationship, so dun muna kami.

“Kung gaano katagal yun, wala naman kaming timetable na sini-set po para sa isa’t isa.

“But it’s just nice getting to know and appreciating her more, lalo na kapag puyat kami.

“Paano ba si Julie kapag puyat, kapag pagod na pagod or galing segue.

“Paano ba siya magpi-prepare sa eksena, paano siya mag-alaga… kung paano siya mag-alaga sa akin, at kung paano ko siya inaalagan.

“Papa'no ba makuha yung kiliti ni Julie, mga ganung bagay. Mas makilala ang isa’t isa.”

Kung ganung ini-enjoy nila ang company ng isa't isa, bakit wala pa ring commitment?

Sabi ni Benjamin, “I think… not naman may commitment sa isa’t isa, kasi para namang... parang nira-rush kasi na lagyan ng label, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta alam ni Julie na naka-focus ako sa soap namin, naka-focus ako sa kanya.

“Yun naman yung importante, e.

“Hindi naman ako yung ‘Uy, Julie, makikipag-date ako sa iba.' Wala naman pong ganun.”

Pahayag naman ni Julie Anne, “Okay naman po.

“We’re not really rushing anything naman po, e. And okay naman siya sa family ko.

“And, in fact, siya po kasi yung first na pinakilala ko sa family ko.”

FIRST BOYFRIEND? Ayon kay Benjamin, masaya siyang naipakilala siya ni Julie Anne sa mga magulang nito.

Sa kanyang panig, pinaplano daw niya kung kailan ipakikilala ang Kapuso singer-actress sa kanyang pamilya na nasa Guam.

Saad niya, “Andami pa po kasing kailangang pagdaanan, e.

“Like, ipakilala ko pa siya sa family ko na nasa Guam, things like that. Wala po kailangan i-rush.

“And bilang nagsisimula pa lang kami sa soap at ito po yung focus po namin.”

Dagdag pa niya, “Masaya naman po kami.

“And yun po yung nagustuhan ko kay Julie Anne na malapit po siya sa pamilya niya, na binibigyan niya ng halaga ang opinyon ng nanay at tatay niya, na magugustuhan ba nila ako.

“So, dahil po doon, mas na-appreciate ko po siya at ganun din naman po ako sa pamilya ko. Enjoy-enjoy lang po.”

Si Benjamin ba kung sakali ang magiging first boyfriend ni Julie Anne?

Sagot ng dalaga, “Basta, special po si Ben sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN