Jean Garcia on closeness to Jomari Yllana: "It's nonsexual."

IMAGE Noel Orsal

Jean Garcia on growing friendship with Jomari Yllana: "Ayaw din siguro namin na pasukin ang isang relasyon na makakasira sa magandang relasyon namin bilang magkaibigan. May ganyan naman talaga, di ba? Better off as friends than lovers."

 


Natatawang itinanggi ng aktres na si Jean Garcia ang balitang may relasyon na sila ng aktor na si Jomari Yllana.

Ilang beses kasing nakitang magka-date ang dalawa noong 2016.

Ngunit diin ng aktres, “Jom is really one of my best friends.

“Yes, ilang beses na kaming lumalabas na kaming dalawa lang.

“Pero noon pa naman kami magkakasama, pero grupo kami parati.

“May Viber group kasi kami ng mga co-stars namin sa The Half Sisters.

“Kasama namin parati lumabas sina Barbie [Forteza], Thea [Tolentino], Mel [Martinez], at Andre [Paras].

“Pero, lately nga, dahil busy yung mga bagets, kami na lang ni Jom ang nagkikita at nagdi-date.”

Ang The Half Sisters ay ang dating afternoon drama series ng GMA Network na tumagal sa ere ng halos dalawang taon.

Paliwanag pa ni Jean, hindi matatawag na romantic date ang paglabas-labas nila ni Jomari.

Aniya, “Wala naman yun. It’s not a romantic date.

“Gusto lang naming magkita paminsan-minsan, lalo na kung hindi kami busy pareho.

“Walang malisya ang date namin. Ang tawagan nga namin ay ‘Kaps,’ as in ‘Kapatid.’

“Kaya there’s no relationship to talk about between sa amin ni Jomari.”

Matagal na raw nabuo ang friendship sa pagitan nina Jean at Jomari.

Nagsimula ito noong gawin nila ang teleseryeng Alakdana, sa GMA-7 din, taong 2011.

Mas lalo raw naging matibay ang kanilang pagkakaibigan nang nagkasama sila sa mga teleseryeng Kakambal ni Eliana noong 2013 at The Half-Sisters noong 2014.

Dagdag pa ng 47-year-old actress, “Kapag nagyayaya naman si Jom na lumabas kaming dalawa, mostly we talk about yung nangyari sa araw na yun.

“We just like to unwind. Hindi ko iniisip na may kung anong balak na manligaw si Jom sa akin, kasi nga barkada kami.

“May nagtanong nga sa akin na kahit ba magkatabi kami ni Jom sa iisang kama, walang mangyayari?

“Sagot ko, 'Ay, oo naman!' Kailangan bang may mangyari sa amin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masasabi ko na nasa platonic stage na ang relationship ko with Jom. It’s nonsexual.

"Hindi namin binibigyan ng malisya ang pagiging close namin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jean sa grand presscon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, noong January 16, sa GMA Network Center.

SPECIAL FRIEND. Naikuwento rin ni Jean ang pagyaya ni Jomari sa kanya sa Christmas party ng mga konsehal sa Paraaque noong December 2016.

Si Jomari ay kasalukuyang nanunungkulan bilang konsehal.

Lahad ni Jean, “Yun ang time na pinuntahan ako ni Jom sa set ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

“He invited me sa Christmas party ng mga councilors and their spouses.

“Nagtaka naman ako kung bakit ako gusto niya akong isama. Puwede naman siyang magsama ng ibang girl, di ba?

“Sabi ko kay Jom, ‘Ano ka ba? Baka isipin nila na tayo na.’ Pero he insisted na ako ang gusto niyang isama.

“Okey rin naman yun at na-appreciate ko naman yung pag-invite ni Jom sa akin.

“Parang feeling ko, special akong kaibigan sa kanya.”

Parehong single sina Jean at Jomari, pero hindi raw dumating sa puntong pinag-usapan nila ang magkaroon ng relasyon na lagpas sa pagkakaibigan.

Paliwanag ng aktres, “Sa totoo lang, nandito na ako sa punto ng buhay ko na kung pipili ako ng lalaki na makakarelasyon, gusto ko siya na forever.

“As in, siya na ang magiging huling lalaki sa buhay ko.

“Ayokong pumasok sa isang relationship na hindi na naman magwu-work.

“Like, yung last relationship ko, akala ko siya na yun. Pero hindi pa pala.

“Yes, hinahanap ko na ang forever ko.

“Kasi naman, may apo na tayo, di ba? Ano na lang iisipin ng mga anak at ng apo ko kung paiba-ibang lalaki ang nakikilala nila?

“More on iniisip ko ang magiging pakiramdam nila.

“Siyempre, mag-i-invest din sila ng emotions sa magiging partner ko, tapos biglang wala na naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya gusto ko yung siya na yung forever talaga.”

Hindi ba niya nakikita ang forever kay Jomari?

Tugon ni Jean, “Hindi pa tayo sure kung si Jomari yun.

“Not for anything else, okey kami bilang magkaibigan.

“Tsaka Jom has it all, di ba? Guwapo, single, responsible, marunong sa negosyo…

“But we still have to see kung kami nga ba ang tama para sa isa’t isa.

“Believe it or not, I am still getting to know who he is, at ganun din siya sa akin.

“Ayaw din siguro namin na pasukin ang isang relasyon na makakasira sa magandang relasyon namin bilang magkaibigan.

“May ganyan naman talaga, di ba? Better off as friends than lovers.”

Patuloy niya, “Basta sa ngayon, Jom makes me happy.

“He’s there kapag kailangan ko ng makakausap, kapag nag-e-emote ako sa kung anumang dahilan.

“Maganda ang friendship namin at ayaw naming masira iyon because we wanted to take it to the next level.

“But I always lift it all up to the Lord.

“Bahala na Siya kung sino sa tingin Niya ang karapat-dapat na maging forever ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN