Pinulot director Gina Alajar on Ara Mina's IG rant: "Whatever she said maybe is out of frustration."

IMAGE Noel Orsal

Tinitiyak ni Direk Gina Alajar na hindi magiging daan ang Instagram rant ni Ara Mina upang pag-initan niya ito sa set ng kanilang teleseryeng Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Naniniwala raw siyang may pinagdaanan lang ang aktres kaya ito nakapaglabas ng hinaing. 


Maraming entertainment press ang umasang magpapakita si Ara Mina sa grand presscon ng bagong Kapuso afternoon drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa noong Martes, January 16.

Gusto kasi nilang usisain ang aktres tungkol sa paglalabas nito ng hinaing sa Instagram dahil sa hindi umano magandang pagtrato sa kanya ng mga nasa produksiyon ng teleseryeng kinabibilangan.

Bunsod nito ay sinabi niyang magre-resign na siya mula sa programa.

Ngunit hindi dumating si Ara sa presscon.

Ang ibang mga kasamahan ng aktres sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa ay clueless naman sa naging rant niya sa Instagram.

Pati ang direktor ng teleserye na si Gina Alajar ay wala rin daw idea sa hinaing ni Ara.

Hindi rin daw niya nabasa ang Instagram post ng aktres.

Nang malaman niya ang isyu, inisip daw agad ni Direk Gina kung paano na ang mga eksenang nakunan kay Ara.

Saad ng actress-director, “Maaapektuhan ang show kapag umalis siya.

“Kasi, ang dami na niyang nakunang eksena, e.

“Kasi, in fairness to Ara, she’s very good.

“I’ve worked with her sa Tatlo Magkasalo [1998] ng Reyna Films, bagets pa siya noon.

“Ngayon ko lang siya nakatrabaho ulit after that, and I would say na she has transformed herself into a good actress.

“At wala kaming problema ni Ara.

“Minsan nga, napapaghintay ko siya nang matagal.

“Ang call time niya, sa gabi. Dadating siya ng 9, makukunan ko siya alas-dose, ala-una... yung ganun.

“I would say, ‘Sorry,’ and she will say, ‘No, Ate Gina, it’s okay!’

“She’s still bubbly. Mabait naman talaga siya.”

Ayon sa rant ni Ara, ang mga tao sa likod ng produksiyon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa ang hindi nagbigay ng importansiya sa kanya.

Sabi ni Gina tungkol dito, “I guess, yes, sa production, meron lang siguro siyang hindi nagustuhan.”

Ang latest, kasalukuyan pa rin daw pinaplantsa ng GMA management at ni Ara ang isyu, pero balik-taping na ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiniyak din ni Direk Gina na hindi tatanggalin si Ara sa show.

Aniya, “No, hindi! Hindi natin siya tatanggalin.”


Stories We Are Tracking

Ara Mina quits GMA's <em>Pinulot Ka Lang Sa Lupa</em>
Ara Mina quits GMA's Pinulot Ka Lang Sa Lupa
Ara Mina to resume work in <em>Pinulot Ka Lang Sa Lupa</em>?
Ara Mina to resume work in Pinulot Ka Lang Sa Lupa?
Ara Mina confirms return to <em>Pinulot Ka Lang Sa Lupa</em>
Ara Mina confirms return to Pinulot Ka Lang Sa Lupa
Ara Mina a no-show at <em>Pinulot Ka Lang Sa Lupa</em> presscon
Ara Mina a no-show at Pinulot Ka Lang Sa Lupa presscon

“MABAIT SIYANG BATA.” Hindi naman daw na-offend si Direk Gina sa ginawang ito ni Ara.

“No, siguro, you know, sometimes kasi merong mga hindi ko alam, baka merong nagsulsol sa kanya.

“You know, usually naman, yung decision natin in life, depende ‘yan din sa mga taong nakapaligid, e.

“Sulsol or whatever.

“Or maybe she just felt sama ng loob lang talaga,” paliwanag pa ni Direk Gina.

Tinitiyak din ng direktor na kahit nagkaroon ng kontrobersiya ang show dahil kay Ara, hindi ito dahilan upang pag-initan niya ang aktres sa set.

“No! Wala siyang isyu sa akin, mahal ko si Ara.

“Mahal ko siya at kilala ko siya, mabait siyang bata.

“Whatever she said maybe is out of frustration, may naramdaman siya.

“And wala lang siguro siyang boses. Kaya nagamit niya ang social media.

“But then, it seems na naayos naman yata nila sa production.”

Aminado si Direk na nagkaroon ng matagal na delay ang airing ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, na dapat ay noong October 3, 2016, pa magpa-pilot.

Aniya, “Yeah, I was frustrated because reading-ready na, e.

“October 3, October 10, October 17, November 7… January 2017.”

Gayunpaman, matutuloy na rin ang airing nito simula January 30, sa Afternoon Prime ng GMA Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN