Bela Padilla reveals breakup with longtime boyfriend Neil Arce

IMAGE Noel Orsal

Pagkatapos aminin na break na sila ng nobyong si Neil Arce, nakiusap ang aktres na si Bela Padilla sa press: "Guys, be nice to him. Kahit ako na po ang siraan niyo, kahit ako na lang po. Ayoko lang kasing may mabasa siya o ma-feel bad pa siya."


Pabulong na inamin ni Bela Padilla sa mga kausap niyang press, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Neil Arce.

Pero nakiusap ang aktres na huwag nang usisain ang mga detalye, lalo na ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Si Neil ay isang businessman at film producer.

Nangyari ang pag-amin ni Bela sa intimate interview ng press sa kanya pagkatapos ng presscon proper ng bagong primetime teleserye ng ABS-CBN, ang My Dear Heart, na nakatakdang umere sa Lunes, January 23.

Naganap ang presscon nitong Huwebes ng gabi, January 19, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Bago ang kanyang pag-amin, nauna munang inusisa ng press ang pagkakalinya niya sa mother roles.

Nauna siyang naging nanay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ngayon, dito sa My Dear Heart ay gumaganap siya bilang ina ng bagong child discovery ng ABS-CBN at Dreamscape na si Nayomi Ramos.

Natanong tuloy siya kung gaano pa katagal bago niya makita ang sarili na magkakaanak.

“Sana magkakapatid ako,” biro niya. “Nandun pa ako sa ate.

“Hindi ko pa nakikita yung sarili ko na magkakaroon ako ng sarili kong anak.

“Honestly, ang trato ko kay Nayomi sa set, parang batang kapatid.

“So, hindi ko pa nakikita yung sarili na ako yung responsable sa lahat.

“Kasi, parang feeling ko, ngayon pa lang ako nag-e-enjoy sa buhay ko.”

Tawa na lang ang itinugon ni Bela nang sundan ito nang tanong kung naiintindihan ba ni Neil ang kanyang priorities.

Kaya ang tanong naman ng PEP: Kung hindi pa siya handang maging isang ina, handa na ba siyang maging asawa?

“Hindi,” matipid niyang sagot.

Pero matagal na sila ni Neil, di ba?

Dito na siya bumulong sa press: “Break na kami.”

Ngunit agad niyang sinundan ito ng pakiusap: “Huwag na lang po nating pag-usapan.”

MUTUAL DECISION. Ikinagulat ng press ang rebelasyon ni Bela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kasi nagre-reflect sa kanya na galing siya sa breakup at naha-handle niya ang problema nang hindi siya mukhang apektado.

Komento ng 25-year-old actress, “Thank you, thank you.

“I would like to think na sa age ko, I’m quite mature.

“So, that’s why siguro we were able to come up with a compromise, na parang when it’s work, it’s work.

“In fact, magkasama kami noong isang araw sa set, okay naman. Wala namang problema.”

Mutual decision daw ang breakup nila.

Nagkakatrabaho pa rin sila, hindi ba sila nagkaroon ng ilangan?

“Four years ko na siyang kilala, hindi na ako maiilang sa kanya,” sagot ni Bela.

Sa mga nakaraang proyekto nila, gaya ng pelikulang Camp Sawi (2016), ay naging artistic partners sila.

Ang kanilang konsepto ay ginawa nilang pelikula, na kadalasan ay ipinu-produce ni Neil at tinatampukan din ni Bela.

Tuloy pa rin ba ang partnership na ito?

Tugon niya, “Tuloy pa rin.

“Ngayon, nagsu-shoot kami ng movie. Okay naman kami pag shooting.

“I think po doon sa artistic slash creative side, I value his opinion more than anybody else.

“Kasi magka-jive kami, e, yung utak namin, pagdating sa trabaho, sa pag-iisip ng concept.

“In fact, nagsu-shoot nga ako ng movie with him under Direk Dan Villegas, yung Luck At First Sight with Jericho Rosales.”

STILL PROCESSING. Pag-amin pa ni Bela, tila hindi pa raw nagsi-sink in sa kanya ang nangyari sa kanila ni Neil.

“Feeling ko lang, right now, hindi pa e.

“Honestly, hindi pa nagsi-sink in sa akin.

“Siguro hindi pa right now, dahil masyado akong busy sa trabaho.

“Nagte-taping ako M-W-F, nagsu-shooting ako T-Th-S, tapos nag-aaral ako pag Linggo.

“So, wala talaga akong time para mag-isip, kaya yun.

“Baka after nitong presscon, mag-isip-isip ako, baka sa kotse,” biro niya.

Paano niya na-compose ang sarili niya sa pagharap sa presscon kahit may iniinda siya sa puso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Bela, “Hindi naman kami nandito para sa sarili naming issues, nandito kami para sa show.

“So, kailangan masaya ako para sa show, masaya ako para kay Heart, sa lahat ng cast.

“Parang I take things one moment at a time.

“And I’m here for My Dear Heart, not for myself.”

IT’S NOT YET TIME. Sa nangyari sa kanila ni Neil, mahirap ba talagang pagsabayin ang love life at career?

“Hindi naman, hindi naman ganun yung problema, e...

“Oh, gosh, nalaglag ako sa trap!” bigla niyang na-realize sabay tawa.

Patuloy ni Bela, “Hindi, e, ano lang siguro, timing.

“Maybe this is not the right time for me.”

Tuluyan bang isinasara niya ang puso sa isang reconciliation?

“Nag-usap na kami, e. Actually, ako yung humingi na makipag-usap.

“Ang dami ko nang nasabi!” natawa na lang ulit niyang sabi.

May pakiusap ulit siya, “Guys, be nice to him.

“Kahit ako na po ang siraan niyo, kahit ako na lang po.

“Ayoko lang kasing may mabasa siya o ma-feel bad pa siya.

“Siyempre, wala siyang control dito.

“Ako lang yung nakapag-presscon, side ko lang yung naririnig niyo.”

Wala rin daw anumang bad blood sa pagitan nila ni Neil.

Posible bang maging magkaibigan pa rin sila?

Ayon kay Bela, “Honestly, I can see us being friends pa after this.

“And, iyon nga, magkatrabaho naman kami and marami pa kaming concepts na ginawa together.

“So, after ng movie, hindi pa ito yung last, makakatrabaho ko pa rin siya.

“I mean, mayroon kaming ongoing na parang pa-start na mga projects.

“So, I’m gonna see him the whole year.”

Magpapahinga ba muna ang puso niya?

“Oo,” sagot ng Kapamilya actress.

Tila hindi rin daw siya handang ma-link sa kanyang leading man at gumaganap na asawa niya sa My Dear Heart na si Zanjoe Marudo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang wala pa ako sa posisyong mag-isip ng ganyan ngayon. Hindi ko alam.”

Tumagal ng halos limang taon ang relasyon nina Bela at Neil.


Stories We Are Tracking

Bela Padilla 'very secure' with boyfriend Neil Arce
Bela Padilla 'very secure' with boyfriend Neil Arce
<p>Bela Padilla believes Neil Arce is the right one for her</

Bela Padilla believes Neil Arce is the right one for her

Bela Padilla wants to end up with Neil Arce
Bela Padilla wants to end up with Neil Arce
Bela Padilla will not entertain marriage proposal from Neil Arce
Bela Padilla will not entertain marriage proposal from Neil Arce


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN