LJ Reyes not in a hurry to settle down with boyfriend Paolo Contis

IMAGE Noel Orsal

LJ Reyes says about Paolo Contis, "Para ko rin siyang best friend, hindi lang boyfriend, best friend." 


Kinilig si LJ Reyes sa pahayag ng boyfriend niyang si Paolo Contis na hindi na siya pakakawalan nito.

Reaksiyon ng Kapuso actress, “Siyempre, nakakatuwa na may taong ganun ang gustong mangyari.

“May taong gustong magprotekta sa ‘yo, and ginagawa naman niya.”

Nakatulong ba sa relasyon nila na pareho silang may mga anak?

Si LJ ay may isang anak na lalaki sa dating boyfriend na si Paulo Avelino.

Si Paolo naman ay may dalawang anak na babae sa dating misis na si Lian Paz.

Ayon kay LJ, “Nakakatulong na ang dami na naming experience sa buhay, so yung maturity, iba rin.

“Siguro, nasa state kami na pareho na kaming mature.”

Pero kung kasal ang pag-uusapan, marami pa raw silang kailangang ayusin.

Sabi ni LJ, “Siyempre, step by step ‘yan. Hindi puwedeng okey kayo ngayon, hindi na bukas.

“At ang relationship, tinatrabaho, di ba? Huwag nating madaliin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa presscon ng bagong afternoon drama series ng GMA Network, ang Pinulot Ka Lang sa Lupa, noong January 16.

BEST FRIEND. Ano naman ang reaksiyon ng aktres sa sinabi ni Paolo na "good influence" siya?

Natatawang tugon ni LJ, “Gusto kong maniwala na good influence ako sa kanya!

“Ganun naman talaga, di ba? I would want to believe that.”

Malaki ba ang ipinagbago ni Paolo mula nang maging sila?

“Kayo ang makakasagot niyan, hindi ako,” nakangiting sabi niya.

Ano naman ang nakikita ni LJ na impluwensiya sa kanya ni Paolo?

“Kasi walang nagpu-protect sa akin before, maraming burden ang natanggal.

“Para ko rin siyang best friend. Hindi lang boyfriend, best friend.”

Lights will guide you home, And ignite your bones...?????????? #LACMA #LAvbirds #SayangKuryente

A photo posted by Paolo Contis (@paolo_contis) on

PAULO AVELINO. Hindi kaya naaagaw na rin ni Paolo ang atensiyon ng anak ni LJ na si Aki mula sa ama nitong si Paulo Avelino?

Paglilinaw ng aktres, “Hindi naman ganun, wala namang agawang nangyayari.”

Nasa eksena pa naman si Paulo sa buhay ng anak nila?

“Kung gusto niya,” sambit ni LJ.

Nagkikita pa rin ba sina Paulo at Aki?

“Busy siya, e!” natawang tugon ni LJ.

Hinahanap naman daw ng kanilang anak ang ama nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, kilala naman niya. At saka siyempre, nakikita naman niya kasi, sa TV.”

Nagtatanong ba kung bakit hindi sila nagkikita ng daddy niya?

“Hindi pa naman, busy rin kasi si Aki!” natawa ulit na sabi ni LJ.

MOMMY BONDING. Katunayan nga ay kagagaling lang ng mag-ina sa Amerika para dalawin muli ang ina ni LJ na matagal nang naninirahan sa New York.

Kasama nila si Paolo sa bakasyong ito, pero ang prayoridad raw ni LJ ay ang maka-bonding ang ina.


Saad niya, “Kahit naman doon o dito, may bonding naman kaming tatlo.

“Mas nag-focus ako na maka-bonding ko, makausap ko ang mama ko.

“We had an opportunity na makapag-drive na kaming dalawa lang, nakakapag-usap kami nang personal.

“Suwerte pa rin tayo na, nowadays, we have this technology.

“Yung mga taong malayo sa atin, nasa abroad, nakakausap natin.

“May instant messaging na super convenient talaga.

“Pero iba pa rin kapag kasama natin ang person.”

Natawang sabi pa ni LJ, “Yung nanay ko, parang miss na miss ako.

“Wow! Feel na feel na miss na miss ng nanay.

“Siyempre, ang mommy ko, nakikita ko once a year lang.

“Talagang kapag nagkikita kami, ang daming kuwento, miss niyo ang isa’t isa.

“Nagpunta kami sa L.A., nag-Disneyland, at saka Lego Land yung mga bata.

“Medyo bitin, so si Mama, sabi niya, ‘Balik kayo agad dito.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN