Thea Tolentino denies rift with Mikoy Morales: "Naging okey na kami bago mag-Pasko."

IMAGE Noel Orsal

Thea Tolentino puts great value to her friendship with Mikoy Morales: "Mabait 'yan at pasensyosong tao… Pero kapag nasagad na ang pasensya ng isang tao, sumasabog din... Yun ang gusto kong iwasan sa taong ito. Best friend ko si Mikoy, ayokong may pinag-aawayan kami."


Nabalita na nagkahiwalay sina Thea Tolentino at ang rumored boyfriend niyang si Mikoy Morales dahil sa paglabas niya na naka-swimsuit sa kanyang teleserye.
    
Itinanggi ito ni Thea, “Totoo po na nagkaroon kami ng matinding tampuhan last year.     

“Yung dahilan ng paghiwalay namin ay wala kaming mabigay na time para sa isa’t isa.

“Hindi kami nagkausap nang matagal, pero naayos naman po bago mag-Pasko.

“Parang nagkapatung-patong na rin yung mga tampuhan namin ni Mikoy.

“Pinakaproblema namin talaga ay time, kasi nga po busy ako sa taping ng Hahamakin Ang Lahat.

“Kapag nagyayaya siyang lumabas, hindi ako puwede dahil maaga ang call time ko the next day.
    
“Doon kami nag-aaway. Pero pinapaintindi ko naman sa kanya na trabaho ang uunahin ko.
    
“Hanggang sa hindi na siya tumatawag, pero naging okey na kami bago mag-Pasko.
    
“Basta tumawag na lang siya at naging okey na kami ulit.
    
“Hindi naman po ako humingi ng sorry sa kanya, masyado lang kaming stressed last year kaya nangyari iyon.
    
“Si Mikoy naman po, mabait ‘yan at pasensyosong tao.

“Pero kapag nasagad na ang pasensya ng isang tao, sumasabog din ang galit niya.
    
“Kaya yun ang gusto kong iwasan na namin sa taong ito.
    
“Best friend ko kasi ‘yang si Mikoy, kaya ayokong may pinag-aawayan kami,” diin pa ni Thea.

Nakapanayam namin si Thea kamakailan sa set ng GMA Prime na Hahamakin Ang Lahat sa De Ocampo Hospital sa Sta. Mesa, Manila.

NO TO SEXY PICTORIALS. Kahit na dalawang beses nang lumabas na naka-swimsuit sa magkaibang teleserye ang Kapuso actress at Protégé winner na si Thea Tolentino, hindi pa rin daw ito handang magpa-sexy sa pictorials.
    
Pagkatapos nga raw niyang magpakita ng kaseksihan sa mga teleserye na Once Again at Hahamakin Ang Lahat, may offer na raw sa kanya para magpa-sexy sa isang men’s magazine.
    
Pero tumanggi raw si Thea, “Nahihiya pa po ako sa mga ganyang pictorials.
    
“Yung mag-swimsuit nga po, parang naiilang na ako, yun pang mag-pose ka nang sexy para sa isang magazine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka hindi na ako makakilos no’n? Hindi pa po ako ready talaga sa mga ganyan.

“Marami pa kasing kailangan mabago sa sarili ko, physically.
    
“Ginawa ko lang naman po ang mag-swimsuit kasi kailangan po sa eksena, trabaho lang po iyon.
    
“Siguro po papayag ako after ng ilang years, ngayon po parang hindi pa ako bagay sa ganyan.
    
“'Tsaka wholesome po ang image natin, baka maiba kapag pumayag ako na mag-pose sa magazine na naka-bikini.”


CALMING KRISJOY FANS. Samantala, may mga nagagalit daw kay Thea sa social media dahil sa pagiging kontrabida nito sa love team nina Kristoffer Martin at Joyce Ching.
    
Pero napakalma naman daw ni Thea ang mga KrisJoy fans nang nag-post siya ng photos sa social media na kasama niyang gumimik ang dalawa.
    
Sabi pa niya, “Huwag naman silang magalit sa akin kasi role lang po ito.
    
“Nag-e-enjoy kasi ako masyado sa pagiging kontrabida ko kaya parang napapasobra yata ang pagtataray ko kay Joyce.
    
“Pero bumabawi ako sa fans nila by posting photos namin kapag lumalabas kaming magkakasama.
    
“Patunay lang iyon na magkaibigan kami in real life at acting lang ang napapanood nila sa Hahamakin Ang Lahat,” pagtapos ni Thea Tolentino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN