Winwyn Marquez appeals to Pinoy netizens to refrain from bashing Maxine Medina

IMAGE Courtesy of Binibining Pilipinas

Winwyn Marquez appeals to Filipino pageant fans to support Maxine Medina: "Kaya sana supportahan nalang natin lahat si Maxine at wag niyo na siya i-down im sure ginagawa niya lahat para itaas at flag natin. She's Ms Universe PH for a reason kaya magtiwala tayo. Good luck Maxine!"


Umapela ang actress-dancer na si Winwyn Marquez sa mga Filipino pageant fans at iba pang netizens na huwag i-bash ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2016 pageant na si Maxine Medina.

Kahapon, January 20, pinost ni Winwyn ang kanyang litrato mula sa Binibining Pilipinas 2015 sa Instagram kalakip ang kanyang mensahe sa mga bashers ni Maxine.

Matatandaang napabilang si Winwyn sa Top 15 ng pageant kung saan itinanghal na Miss Universe Philippines si Pia Wurtzbach.

Ayon kay Winwyn, aminado itong naapektuhan siya ng pamba-bash ng ilang pageant fans online noong sumali siya, kaya naman 'wag na raw sana itong maranasan ni Maxine.

Ang buong caption ng Kapuso talent: "Can't help but miss the time I was strutting and posing and just having the time of my life at the binibining pilipinas coronation night.

"Alam niyo the trainings are tough Pero mas 'tough' o mas grabe pang babash saakin before this night and nakakadown pero laban padin ang nasa utak.

"Kaya sana supportahan nalang natin lahat si Maxine at wag niyo na siya i-down im sure ginagawa niya lahat para itaas at flag natin. She's Ms Universe PH for a reason kaya magtiwala tayo. Good luck Maxine!"

Bukod kay Wyn, ilang celebrities at dating beauty queens na rin ang nagpahayag ng suporta nila para kay Maxine. Kabilang dito ang De La Salle University basketball player na si Jeron Teng.

Read: Basketball player Jeron Teng says Philippine bet Maxine Medina does not need an interpreter

Nagbigay naman ng tips ang mga dating beauty queens na sina Ariella Arida at Venus Raj kay Maxine sa pagsabak nito sa Miss Universe pageant.

Read: Ariella Arida advices Maxine Medina to shrug off bashers

Read: Venus Raj reveals her request for interpreter in Miss Universe 2010 was turned down

Makailang ulit na ring nagpaalala ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na itigil na ang pamba-bash sa mga contestants ng pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Watch: Pia Wurtzbach appeals to Pinoy pageant fans not to bash Miss U candidates

Sa January 30 gaganapin ang grand coronation night ng Miss Universe 2016 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay CIty.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN