Venus Raj to host Miss Universe red carpet festivities

IMAGE Miss Universe website/Instagram

Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj will be a special correspondent for the red carpet festivities during the coming Miss Universe pageant. She will be joined by Fil-Hawaiian social media personality Bretman Rock.


Si Venus Raj, ang 2010 Miss Universe 4th runner-up, ay magiging bahagi ng Miss Universe 2016 pageant bilang red carpet special correspondent sa darating na January 30 (Philippine time) Mall Of Asia Arena.

Makakasama ni Venus sa red carpet ang Fil-Hawaiian social media personality na si Bretman Rock.

Ang announcement ay makikita sa website ng Miss Universe.

Samantala, magkakaroon din ng partisipasyon ang ilang beauty queens na may espesyal na kaugnayan sa Pilipinas.

Una nang kinumpirma ni 1994 Miss Universe Sushmita Sen na isa siya sa mga magiging hurado sa prestigious beauty pageant.

Si Sushmita, na mula sa India, ang siyang kinoronahang Miss Universe nang maganap ang beauty pageant sa Pilipinas noong 1994.

Kinumpirma rin ni 1993 Dayanara Torres na darating siya sa Pilipinas pero hindi nito tinukoy kung ano magiging partisipasyon nito.

Si Dayanara na mula Puerto Rico ay siyang nagpasa ng korona kay Sushmita.

Pinasok din ni Dayanara ng local showbiz kunsaan siya naging matagumpay ng ilang taon.

Kinumpirma rin ni Miss Universe 2015 2nd runner-up Olivia Jordan na papunta na siya sa Pilipinas upang makibahagi sa international beauty pageant.

Samantala, magiging main host naman ng main pageant event si Steve Harvey at ang American model na si Ashley Graham.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN