Ariel Rivera looks forward to reuniting with Miss Universe 1993 Dayanara Torres

IMAGE Noel Orsal / @dayanarapr on Instagram

Ariel Rivera on Miss Universe 1993 Dayanara Torres: "I just love the way she laughs, the energy she has when we are together. I love her energy, I love the way she laughs."


Isa ang actor-singer na si Ariel Rivera sa excited sa pagbabalik-Pilipinas ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres.

Babalik sa Pilipinas ang Puerto Rican beauty queen dahil may espesyal siyang partisipasyon sa Miss Universe 2016, na gaganapin sa January 30.

Unang nagpunta sa Pilipinas si Dayanara para sa Miss Universe 1994, kung saan isinalin niya ang korona sa bagong Miss Universe na si Sushmita Sen ng India.

Pagkatapos nito ay nanatili ng ilang taon si Dayanara sa Pilipinas, kung saan nagkaroon siya ng career bilang aktres at TV host.

Nagkasama sina Ariel at Dayanara sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP.

Kabilang sila sa original hosts ng ASAP, kasama ang ex-couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Masayang saad ni Ariel tungkol sa dating Miss Universe, “I love Dayanara. She’s a close personal friend of mine.

"We used to travel together to Hawaii, yung grupo namin.

"So, I'm excited to see her come back here.

“I think she belongs here, personally. I think the Filipino people fell in love with her.

"So, I’d love to see her back here. I welcome her with all my heart.”

Sa presscon ng Valentine concert na #LoveThrowback2 nitong Sabado, January 21, nagkuwento pa ang singer-actor ng mga hindi niya malilimutan tungkol kay Dayanara.

Kabilang na rito ang tawa ni Dayanara.

“Nakakatuwa yung laugh niya.

"I just love the way she laughs, the energy she has when we are together.

“I love her energy, I love the way she laughs.

"She has downplayed who she was before being the Miss Universe, pero hindi siya ganun, e. Hindi siya yung asta na Miss Universe.

“She is so Filipino in every way.”

Makalipas ang halos 20 taon, patuloy pa rin daw ang komunikasyon nilang dalawa.

Kuwento pa ni Ariel, “She would send an email lang.

"She would send a Christmas picture of her with her two boys wishing us a Merry Christmas, mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I’m happy that she’s coming back. I’m so excited.”

Inaasahan ni Ariel na magkakaroon sila ng get-together ni Dayanara, kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN