Is Erik Santos willing to wait for Angeline Quinto?

IMAGE Noel Orsal

Is Erik Santos willing to wait until Angeline Quinto is ready for a serious relationship? He says, "'I'm not getting any younger, iniisip ko rin yun Lahat 'yan pinapasa-Diyos ko. Kung siya, well and good. Kung iba man, I know we will stay friends."


Aminado si Erik Santos na nasaktan siya sa pahayag ni Angeline Quinto na hindi pa ito handa sa seryosohang relasyon.

Ngunit naiintindihan naman daw niya ang naging pasya ng kaibigan.

Ani Erik, “Hurt? Nung una.

"It takes maturity to understand kasi ngayon pa lang siya nagsisimula.

“Marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya, sa family niya, so naiintindihan ko yun.

“Kami kasi ni Angge, ang lalim-lalim na ng pinagsamahan namin.

“Kung anuman ang nakikita ninyo sa amin na panlabas, it’s more than that.

“Ang dami na naming pinagsamahan, napaka-close ko sa family niya.

“May mga bagay na personal na kinukonsulta niya sa akin.

“Sino ba naman ang hindi magiging close kung two months kayong magkasama sa isang tour?”

Dagdag pa ng 34-year-old singer, “Wala naman kaming label, but we’re really okay.

“If there’s one woman in my life next to my mother who is very close to my heart, that’s Angeline.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erik sa presscon ng My Dear Heart noong nakaraang linggo.

Ang singer ang kumanta ng theme song ng bagong teleserye na ito ng ABS-CBN.

WILLING TO WAIT? Ibig bang sabihin nito ay handa si Erik na maghintay kay Angeline?

Sagot niya, “Ngayon kasi, sobra akong nag-e-enjoy working.

"Nung 2016, ang dami-daming blessings.

“Hindi naman nawawala sa akin yung mag-isip na I’m not getting any younger, iniisip ko rin yun.

“Lahat ‘yan ipinapasa-Diyos ko, tao lang din naman ako.

“Kung siya, well and good. Kung iba man, I know we will stay friends.”

Dahil sa sunud-sunod niyang trabaho ay nawalan na rin daw ng oras si Erik para makipag-date.


Stories We Are Tracking

Angeline still hopeful about ending up with Erik
Angeline still hopeful about ending up with Erik
Angeline reveals why romance with Erik did not blossom
Angeline reveals why romance with Erik did not blossom
Angeline Quinto gives up love for the sake of family
Angeline Quinto gives up love for the sake of family
Erik on relationship with Angeline: More than friendship
Erik on relationship with Angeline: More than friendship


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN