Maxine Medina hopes to win Miss Universe crown in home country

IMAGE Noel Orsal

Maxine Medina on winning the Miss Universe crown in her home country: "Kung magsa-shine ka, magsa-shine ka talaga that night. If it's yours, it's yours. Let's just be positive."


Sinagot ni Maxine Medina ang isyung magiging bias at unfair daw kung sakaling siya ang mananalo sa Miss Universe 2016 dahil dito sa Pilipinas ito gaganapin sa January 30.

Si Maxine ang kandidata ng Pilipinas sa prestihiyosong global beauty pageant ngayong taon.

Read: Gloria Diaz says Maxine Medina winning Miss Universe "not politically correct"

Pahayag niya, “Well, parang sinabi na rin natin na, like before, si Miss USA Olivia Culpo, yung pagkapanalo niya is unfair dahil sa Amerika siya nanalo.”

Si Olivia ang nanalong Miss Universe noong 2012, kung saan naging first runner-up ang kandidata ng Pilipinas na si Janine Tugonon.

Patuloy ni Maxine, “Kung magsa-shine ka, magsa-shine ka talaga that night.

“If it’s yours, it’s yours. Let’s just be positive.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxine sa lunch and meet-and-greet with the press ng ilang Miss Universe 2016 candidates, na hosted ng PLDT at Smart Communications.

Ginanap ang event sa SMX Convention Center noong January 21.

HOST CANDIDATE. Marami ang umaasam ng back-to-back win para sa Pilipinas matapos makuha ni Pia Wurtzbach ang korona noong 2015. Ano ang masasabi ni Maxine rito?

Tugon niya, “Oo naman, lahat naman is hoping for that.

“Pati ako, nagdadasal talaga ako for that.”

Pero ayaw raw magpaapekto ni Maxine sa pressure, bagkus ay ini-enjoy niya ang pagiging host candidate.

“Actually, natutuwa ako kasi they’ve been asking me questions like kung saan kami pupunta. Tapos kung ano yung best food.

“Ako yung tour guide nila.

“Hindi naman siya nakakapagod kasi actually nag-e-enjoy ako because everyone is bonded, bonded kaming lahat.

“And everyone is sweet, everyone is friendly.”

BASHERS VS. SUPPORTERS. Samantala, hindi raw muna nagbabasa si Maxine ng comments tungkol sa kanya sa social media, lalo na yung galing sa bashers.

“Hindi na po muna ako nagbabasa, hindi kasi nakakatulong.”

Pero ano ang reaksiyon niya na ang kanyang pinsan at aktres na si Dianne Medina ay talagang ipinagtatanggol siya laban sa bashers at nag-unfriend pa sa Facebook ng mga nagkokomento ng negatibo sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Dianne Medina unfriends "insensitive friends" on Facebook for bashing cousin Maxine Medina

“Kasi naman po, since mga bata kami, since elementary, high school, talagang siya ang takbuhan namin.

“Siya lagi ang nagtatanggol sa amin ever since.

“Like, kapag may resbak, ‘Ate Dianne, inaaway ako ni ganito.’ Si Ate Dianne talaga lagi ang resbak diyan.”

Ano ang mensahe niya para sa Filipino supporters niya?

Ayon kay Maxine, “Sa mga kababayan ko, sana suportahan niyo po ako.

“Starting January 23, open na po yung online voting until January 30.

“Sana po talaga makagawa po ulit tayo ng history for the Philippines.”


Stories We Are Tracking

Gloria says Maxine winning Miss U
Gloria says Maxine winning Miss U "not politically correct"
Dianne Medina unfriends FB friends for bashing cousin Maxine
Dianne Medina unfriends FB friends for bashing cousin Maxine
Gloria Diaz pessimistic about back-to-back Miss U win for PH
Gloria Diaz pessimistic about back-to-back Miss U win for PH
Maxine Medina confident of back-to-back Miss Universe win
Maxine Medina confident of back-to-back Miss Universe win


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN