Is Ryza Cenon ready to be part of Barretto family?

IMAGE Cholo Barretto Instagram / Rose Garcia

Kapuso actress Ryza Cenon on boyfriend Cholo Barretto: "Ano siya, e, medyo conservative type Hindi naman sobra, pero medyo lang. Sa mga pananamit ko, ganun. Pero in a good way naman po."


Apat na buwan na ang relasyon ng Kapuso actress na si Ryza Cenon sa aktor na si Cholo Barretto.

Nagkakilala at nagkamabutihan sina Ryza at Cholo nang gawin nila ang indie film na Manananggal noong 2016.

Chick n' joy?! ???? #SwerteNitoMayWaiterPaSaJollibee

A photo posted by Mr. Pocholo Barretto (@pocholobarretto) on

Ayon sa StarStruck Season 2 winner, masaya ang relasyon nila ni Cholo at mas nakikilala pa nila ang isa’t isa.

“Yung mga nadi-discover, mga ugali…

“Ano siya, e, medyo conservative type

“Hindi naman sobra, pero medyo lang.

“Sa mga pananamit ko, ganun. Pero in a good way naman po.

“Minsan kasi, nakikitaan ako, like yung bra, sinasabihan niya ako na, 'Minsan maging aware ka.'

“Like sa scene daw, kaka-struggle ko, nakikitaan daw ako.

“May pagka-overprotective din.”

Gusto ba niya yung ganun?

Tugon ni Ryza, “Oo naman. Sa mga babae naman, gusto nila yun, yung may nagpu-protect.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa taping ng afternoon drama series ng GMA Network na Ika-6 Na Utos.

LAST WOMAN IN HIS LIFE. Sa isang social media post, sinabi ni Cholo na gusto niyang si Ryza na ang maging huling babae sa buhay nito.

Sa kaso naman ni Ryza, si Cholo rin ba ang gusto niyang maging huling lalaki sa buhay niya, matapos ang apat na failed relationships?

“Sana, sana po, wish ko lang,” sambit ng 29-year-old actress.

“Siyempre, tumatanda na rin po.

“Kapag nagsasama-sama kaming magkakaibigan, si Chynna [Ortaleza], LJ [Reyes], ako lang ang single.

“Parang ang mga pinag-uusapan nila, yung mga anak nila.

“Parang ako, ‘Puwede nating pag-usapan si Mallows, yung aso ko?’”

Si Chynna ay kasal at may anak na sa singer-actor na si Kean Cipriano; si LJ naman ay may anak na rin at karelasyon ngayon ang Kapuso actor na si Paolo Contis.

Ayon kay Ryza, napag-uusapan na rin naman nila ni Cholo ang mas malalim pang puwedeng kahantungan ng relasyon nila, tulad ng kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-o-open up. Pero sinasabi ko naman na masyado pang maaga, kailangang planuhin yun.

“At saka, dapat ready. Dapat lahat ready, mahirap bastang pumasok.”

Kailan kaya siya magiging handa?

Sagot niya, “Give me two years, kasi nanghihinayang din po ako.

“Ang tagal ko rin hinintay yung ganitong opportunity.

“Parang kung kailan naman nandito na ako, saka naman parang i-end agad.

“Bigyan ng two years pa, 2019, mga ganun.

“Sakto na rin sa age ko yun, 31.”

Natawa naman si Ryza nang tanungin ng PEP kung handa na siyang maging Mrs. Barretto at kung may dream wedding na siya.

Aniya, “Hindi ko pa naiisip ‘yan, e, wala pa siya sa isip ko.

“Hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto ko sa wedding.

“Kasi, for me, hindi importante yung wedding, mas importante sa akin ang marriage.

“Sabi ko, mas ano sa akin, kahit simple lang.

“Hindi kailangang gumastos ng milyon.”

PAMILYA BARRETTO. Si Cholo ay mula sa Barretto clan.

Ang ina niya ay si Michi Barretto, nakatatandang kapatid ng mga aktres na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Heavens sent. My first & my LAST! #GodWilling ????

A photo posted by Mr. Pocholo Barretto (@pocholobarretto) on

Kumusta naman ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Cholo?

Sa kani-kanilang Instagram accounts ay makikita na madalas makasama si Ryza sa family gatherings nina Cholo.

Followers at likers na rin niya sa kanyang Instagram ang ilang kamag-anak ng nobyo, tulad ng mag-inang Marjorie at Julia Barretto.

Isa rin siya sa mga bisita nang magdiwang ng kaarawan si Inday Barretto, ang lola ni Cholo.

Ayon kay Ryza, “Okey naman po, sobrang welcome naman po ako.

“Sabi nila, ‘Palagi ka lang palang nakangiti.’

“Tahimik lang din naman po kasi ako.”

Hindi pa raw niy a nami-meet ang tita ni Cholo na si Claudine Barretto, na malapit sa aktor.

Hindi raw sila nag-abot noong birthday ni Mommy Inday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN