Nadine Lustre irked by non-issue post of "JaDine fan"

IMAGE Facebook (Nadine Lustre)

Nadine Lustre comments on a post of a "JaDine fan," who wrote that some fans of James Reid and Nadine find fault in everything the couple say. 


Nag-react si Nadine Lustre sa post ng isang netizen hinggil sa mga naging pahayag niya sa interview nila ni James Reid sa Gandang Gabi Vice (GGV) noong Linggo, January 22.

Sa episode ng GGV, sinabi ni James na hindi pa man sila magkasintahan noon ni Nadine, alam na niyang may pagtingin sa kanya ang dalaga dahil may nagsabi nito sa kanya.

Subalit hindi ibinunyag ng Kapamilya heartthrob kung sino ang nagsabi sa kanya.

Sinabi naman ni Nadine na pakiramdam niya ay si Yassi Pressman ang nagsabi kay James dahil nagkukuwento siya sa kaibigan tungkol sa kanyang mga nararamdaman para sa binata noon.

Sabi ng Viva star, "Feeling ko, kilala ko na kung sino nagsabi sa kanya.

"Kinukuwento ko kay Yassi may nararamdaman ako sa kanya [James].

"Sabi niya [Yassi], 'Baka dahil palagi kayong magkasama, halos araw-araw, tapos yung scenes niyo laging sweet. Nadadala ka lang. Nadadala ng acting.'"

Kaugnay nito, isang nagpakilalang JaDine fan ang nag-post ng kanyang pagpuna sa ibang JaDine fans na nagsasabing mahal daw nila ang tambalang Nadine at James at gusto ang pagiging honest nila.

May ibang fans pang laging hinahanapan ng mali sina James at Nadine, kagaya na lamang ng guest appearance nila sa GGV, at idinawit pa ng mga ito ang pangalan ni Yassi.


Nagkomento rito si Nadine: “Seriously? Why is this even an issue? ‘SMH.’”

Ang SMH ay acronym para sa “shake my head.”

Binura naman ng nasabing netizen ang nasabing post.

Kasunod nito, dalawang magkasunod na makahulugang tweets ang ipinost ni Nadine, na tila patama sa netizen na nag-status sa Instagram.

“Stop feeling ‘HURT’ for me. It’s not even an issue. Seriously. Please don’t,” unang tweet ang aktres nitong Lunes, January 23.

Samantala, maging si Yassi ay napansin ang pagti-trend niya noong Linggo, pero clueless ang dalaga, base sa tweet niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Post ng aktres noong Lunes: “Uhmm… trending pala ako kagabi? Hihihi.”

Sumagot naman ang netizens at ipinaliwanag kay Yassi na may kinalaman ito sa pagbisto diumano nito kay Nadine kay James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN