PEP LOOKBACK: The Aljur Abrenica-Kylie Padilla love story

IMAGE Mark Atienza / Aljur Abrenica

Naging masalimuot ang pinagdaanan ng on-again, off-again relationship nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Pero ngayong nagdadalang-tao na si Kylie, mauuwi rin ito sa kasalan. 


"Love at first sight."

Ganito inilarawan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang kanilang pag-iibigan.

Nagsimula ito sa isang Wushu workshop noong 2011, kung saan aksidenteng nagkita ang dalawang Kapuso stars.

"Very reserved" ang first impression ni Aljur kay Kylie.

Samantalang "crush" na raw ni Kylie si Aljur kahit noong hindi pa siya nag-aartista.

2011 nagsimula ang relasyon ng dalawa ngunit nagkahiwalay sila noong 2014.

Pagkatapos ng halos dalawang taon, noong September 2016, nagkabalikan sila.

Makalipas ng ilang buwan, nitong January 2017, nabalitang buntis si Kylie at si Aljur ang ama.

Read: Kylie Padilla is three months pregnant; Aljur Abrenica camp denies breakup

Isang araw matapos kumpirmahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang tatlong buwan nang buntis si Kylie, inanunsiyo ng management team ng aktres na engaged na sina Kylie at Aljur.

Read: Kylie Padilla and Aljur Abrenica are engaged!

Paano nga ba nagsimula ang pag-iibigan nina Aljur at Kylie at paano ito humantong sa nalalapit nilang pagpapakasal?

Balikan ang on-again, off-again relationship ng dalawang Kapuso stars sa special report na ito ng PEP.

EARLY DAYS. Taong 2011, sa kasagsagan ng seryeng Machete, natanong kay Aljur ng defunct showbiz talk show ng GMA Network, ang Startalk TX, kung may relasyon na ba sila ni Kylie.

Itinanggi ito ni Aljur.


Ayon kay Aljur, magkaibigan lang sila ng young actress, na noo'y napapanood sa teen-oriented show na Tween Hearts.

Noong panahong iyon, mainit pa ang love team nina Aljur at Kris Bernal, na kapwa produkto at winners ng reality-based artista search na StarStruck Season 4.

Read: Aljur Abrenica denies rumored relationship with Kylie Padilla; says they're just friends

Bago ito, nauna nang na-link si Aljur sa batchmate niya sa StarStruck na si Rich Asuncion.

Sa selebrasyon ng kanyang ika-24 kaarawan noong March 24, 2011, muling tinanong ng PEP si Aljur kung nililigawan niya si Kylie.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ng Kapuso hunk, "Si Kylie kasi napalapit na sa akin at special siya sa akin.

"Special siyang kaibigan na, oo, totoo, lumalabas kami, nagkakasama kami, kumakain kami sa labas.

"Kumbaga, mas nag-e-enjoy lang kami ngayon sa company ng isa't isa."

"Kakay" ang tawag ni Aljur kay Kylie noon.

Read: Aljur Abrenica not courting Kylie Padilla but admits she inspires him; reacts to news that Bela Padilla has a crush on him

April 1, 2011, sa panayam kay Robin Padilla, ama ni Kylie, halatang hindi ito boto sa napapabalitang relasyon ng anak kay Aljur.


Pahayag ni Robin, “Walang problema kung sila.

"Huwag na nila akong isama dun sa love story nila. Kasi kung ako ang tatanungin nila, hindi talaga puwede.

“Hindi ako puwedeng mag-compromise, hindi ko puwedeng i-compromise ang pinaniniwalaan ko, pananampalataya [ko], para lang ipakita ko sa anak ko na mahal ko siya."

Si Robin at ang kanyang mga anak ay Muslim, samantalang si Aljur naman ay Katoliko.

Sa parte naman ni Aljur, gusto niyang iparating kay Robin na wala siyang masamang hangarin kay Kylie.

Kung saan man daw hahantong ang closeness nila ng dalaga, tinitiyak niyang aalagaan niya ito at hindi lolokohin.

Saad ni Aljur, "Napakalaki talaga ng respeto ko kay Tito Robin.

"May alam naman ako ng kahit na konti sa Muslim religion at naniniwala ako sa kanya. Malaki po talaga ang respeto ko sa kanya.

"Hindi ko paglalaruan si Kylie. Wala akong masamang hinahangad para sa kanya kundi maging mabuting kaibigan ako para sa kanya at maging masaya pag kasama siya.

"Maging masaya ako pag kasama ko siya. Inspirasyon ko siya, e."

Read: Aljur Abrenica assures Robin Padilla he only has good intentions for Kylie

NO COMMITMENT, BUT EXCLUSIVELY DATING. June 2011, sa ekslusibong panayam ng PEP kay Aljur, inamin nitong lumalabas-labas sila ni Kylie.

Pero wala pa raw silang commitment sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sabi niya, "Magkaibigan lang talaga.

"Lumalabas din kami. Kumbaga, lumalabas kami, pero walang commitment.

"At saka, kapag lumalabas kami, palaging marami kami.

"Family ko... madalas kasama ang mommy ko."

Read: PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica on Kylie Padilla: "Lumalabas kami, pero walang commitment."

June 25, 2011, inamin ni Aljur na "exclusively dating" na sila ni Kylie Padilla


Sabi niya, "Sa ngayon po, kami ni Kylie, exclusively dating.

"Wala na po akong ibang nakakasama kundi siya lang."

Read: Aljur Abrenica on Kylie Padilla: "Sa ngayon po kami ni Kylie, exclusively dating. Wala na po akong ibang nakakasama kundi siya lang."

Sa hiwalay na panayam, inamin ni Kylie na malapit na sa kanyang pamilya si Aljur.

Inilarawan ng dalaga ang relasyon nila ni Aljur bilang "M.U. (mutual understanding)" at "getting-to-know stage."

Read: Kylie Padilla says Aljur Abrenica is already close to her family, especially to her mom


August 2011, muling inusisa ng media si Kylie sa real score nila ni Aljur.

Sabi ng dalaga, "Parang kung sabihin he's your inspiration, di naman make sense. Wait lang, hindi... he's there, he's there.

"Actually, he's my first exclusively dating whoever—first date ko siya... yun, first date."

Read: Kylie Padilla talks about Aljur Abrenica's real score in her heart


FOUR MONTHS. Pagkatapos ng isang buwan, inamin ni Kylie na "four months" na silang very close ni Aljur. Pero hindi pa raw sila.

Aniya, "Hindi ko na matandaan. Matagal-tagal na rin. Siguro mga four months.

"Basta may care. Siyempre may care. Pero hindi naman yung... kami na."

Read: Kylie Padilla maintains she and Aljur Abrenica are good, good friends; but she is not entertaining other suitors

Kasunod nito, sinabi ni Aljur sa isang interview na hindi pa niya nililigawan si Kylie.

At dumating sa punto na naging abala na sila sa kani-kanilang mga career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sabi ng Kapuso star noong November 2011, "Sa ngayon, pareho naman kami ni Kylie na ang priority talaga namin is our career.

"Pero siyempre, tao lang din naman tayo, kailangan may inspirasyon ka rin, nagpapasaya sa 'yo.

"Pero kung priority talaga ang pag-uusapan, trabaho."

Read: Aljur Abrenica on status of relationship with Kylie Padilla: "Ganoon pa rin naman kami, magkaibigan pa rin."

January 2012, sinabi rin ni Kylie na naging busy siya sa kanyang teleseryeng The Good Daughter kaya naisantabi niya ang love life.


Saad niya, "Ano lang...nag-isip din ako, since I’m getting older.

"Tapos, meron akong bagong series na The Good Daughter.

"Siya rin, kailangang mag-focus sa movie niya. So, yun na yun."

Read: Kylie Padilla decides to focus on career, but maintains friendship with Aljur Abrenica

FIRST BREAKUP. February 1, 2012, naitanong kay Aljur kung ano ang dream date niya kasama ang rumored girlfriend na si Kylie.


Ang sagot niya, "Siguro yung simple lang.

"Ayoko kasi nung, kumbaga, mag-dream ng imposible. Gusto ko yung possible.

"Gusto ko sa L.A., yung sa may Hollywood sign. Kasi, di ba, parang tourist spot yun?

"So, tinitingnan yun ng lahat, hindi nila alam nasa ilalim kami. Parang sweet, e.”

Read: Aljur Abrenica on his dream date with Kylie Padilla: "Gusto ko sa L.A., yung sa may Hollywood sign."

Pero tila nag-iba ang ihip ng hangin nang umiwas si Aljur mapag-usapan si Kylie sa panayam niya noong February 8, 2012.


Sabi niya, "Hindi ko alam. Uhm, hindi ko naman masasabi 'yan, e.

"Basta time will come. Lahat 'yan may oras, e.

"At saka kung talagang para sa 'yo, para sa 'yo."

Read: Aljur Abrenica evades questions about Kylie Padilla; clarifies rumor linking him to Ava Jugueta

Kinabukasan, February 9, sa panayam kay Kylie, itinanggi nitong hiwalay na sila ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Read: Kylie Padilla denies rumored breakup with Aljur Abrenica; insists they never had a relationship

Ilang buwan ang nakalipas, noong May 20, 2012, inamin nina Aljur at Kylie na tinapos na nila ang kanilang relasyon.

Ito ay sa kabila ng hindi nila kailanman tuwirang inamin sa publiko na naging sila.



Read: Kylie Padilla and Aljur Abrenica finally admit their relationship has ended

Sa panayam ng PEP kay Aljur noong June 3, 2012, sinabi nitong naging masaya naman siya sa piling ng ex-girlfriend. Pero iginagalang din niya ang pagkakaiba nila ng relihiyon.

Aniya, “Kami naman ni Kylie, magkaibigan. Hindi naman siguro mawawala yun.

“Pero yung espesyal na pagtitinginan namin, hanggang doon na lang.

“Siyempre, may boundary tayo, at ang relihiyon na Islam ay dapat na irespeto.”

Read: Aljur Abrenica on rumored "breakup" with Kylie Padilla: "Ang Islam na relihiyon ay kailangang respetuhin."

FIRST RECONCILIATION? Bandang December 2012, mukhang naayos na ang anumang gusot sa pagitan nina Aljur at Kylie.


Sa katunayan, may inihanda pa ngang Chiristmas gift si Aljur para kay Kylie.

Read: PART 2: Aljur Abrenica’s Christmas gift for rumored girlfriend Kylie Padilla: “Makatulong talaga sa kanya iyon, e. Ano kasi siya, e, it’s a hobby.”

Pero pagkalipas lamang ng ilang araw ay lumutang ang balitang hiwalay na naman ang dalawa.

Sa isang interview na lumabas sa PEP noong December 31, 2012, pinili ni Aljur na huwag nang magsalita tungkol dito.

Read: Aljur Abrenica on rumored breakup with Kylie Padilla: “Ayoko na lang magsabi, ayoko mag-confirm na lang. Gusto kong i-personal na lang.”

January 2013, muling nanumbalik ang masayang relasyon nina Aljur at Kylie.

Noong bisperas ng ika-20 kaarawan ng dalaga, noong January 24, sinorpresa pa siya ng nobyo ng isang birthday salubong sa kanilang bahay.


Read: Kylie Padilla on relationship with Aljur Abrenica: “Ngayon, stable na siya. Alam na naming dalawa kung saan kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang araw matapos nito, isinama pa ni Aljur si Kylie sa bagong bili nitong bahay sa Quezon City.


Read: Aljur Abrenica shows new house to girlfriend Kylie Padilla

Matapos ang isang taon mula nang napabalita ang una nilang hiwalayan, finally, umamin na si Kylie sa totoong estado ng relasyon nila ni Aljur.


Mahigit isang taon na raw sila at open na silang dalawa na pag-usapan ang kanilang relasyon.

Read: Kylie Padilla on admitting relationship with Aljur Abrenica: “Naramdaman namin na it’s time to be open na.”

Masaya naman si Aljur sa pag-amin na ito ni Kylie.


Saad ng binata, “Well, pagdating sa mga ganyan, kapag yung babae na ang umamin, kumbaga, maituturing ko ang sarili ko na ako na ang pinakamasayang lalaki.

"Kasi, si Kylie 'yan, e.

“Si Kylie, galing sa respetadong pamilya. Kahit sino naman, kung iisipin mo, si Kylie ang magmahal sa 'yo, napakasuwerte mo.

"Kaya ako, proud boyfriend ako. And, I think, siya na rin ang nag-decide na aminin na namin.

“Okay naman ako, pero as much as possible, sa ngayon kasi, ayoko nang... mas gusto kong ipersonal na lang ang mga bagay tungkol sa amin ni Kylie.

“May dahilan naman ako, at ang dahilan ko kasi, kapag may inaamin kami, kapag tungkol sa amin, talagang palaging naaabala si Kylie.”

Read: Aljur Abrenica on Kylie Padilla's admission of their relationship: “Kapag yung babae na ang umamin, kumbaga, maituturing ko ang sarili ko na ako na ang pinakamasayang lalaki.”


Sa pagkakataong ito, mukhang unti-unti nang natatanggap ni Robin ang relasyon ni Kylie kay Aljur.

Ayon pa kay Kylie, may bilin lang daw ang ama kapag niloloko siya ni Aljur.

“Binibiro ako ni Papa. Sabi po niya, pareho lang daw kami. Kapag tungkol sa love life, nakakalimot kami!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I said, ‘Papa, that’s not true!’

“Sinagot po niya ako, ‘Totoo kaya!’

“Right now, Papa is very supportive na with my personal life.

“Okey na ang lahat between him and Aljur.

“Kailangan lang pala na bigyan si Papa ng time to realize that I’m a grown-up na and I can take care of myself.

“Basta lagi niyang paalala sa akin na gamitin ko kay Aljur ang mga natutunan ko sa martial arts kapag niloko niya ako.

“Huwag lang daw ako basta iiyak, ipakita ko raw na kaya kong ipaglaban ang sarili ko!”

Read: Kylie Padilla on dad Robin: "Basta lagi niyang paalala sa akin na gamitin ko kay Aljur ang mga natutunan ko sa martial arts kapag niloko niya ako."

Sa panig naman ni Aljur, gusto na raw niyang gawing pribado ang tungkol sa kanila ni Kylie.

Read: Aljur Abrenica asks for privacy after admitting relationship with Kylie Padilla


CONFLICT OF RELIGION. May 2013, sa PEPTalk interview ni Aljur, sinabi niyang kahit malaking factor ang religion sa kanila ni Kylie, hindi raw ito naging hadlang at going strong daw ang kanilang relasyon.


Read: PEPtalk. Aljur Abrenica says relationship with Kylie Padilla is "going strong" even if conflict in religion is "malaking factor"

Read: PEPtalk. Aljur Abrenica says he and Kylie Padilla are fighting for their love: "Kahit ano mang relihiyon man yun, pag nagmahal po talaga kayo, e, mahirap talagang pigilan."


September 2013, sinabi ni Aljur na lalong tumibay ang samahan nila ni Kylie.

Saad niya, “Maturity will come talaga. Definitely, talagang darating ‘yan sa relasyon. Walang way para hindi ka mag-mature.

“Habang tumatagal ang pagsasama namin, mas nalalaman namin kung ano talaga ang gusto namin.

“Para sa akin, what’s important, kumbaga, maging partner mo siya.

“Kung ano ang gusto niya, suportahan mo siya. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya, tatanggapin mo yun. Yun ang importante.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Aljur Abrenica on maturity of relationship with Kylie Padilla: "Definitely, talagang darating ‘yan sa relasyon."

Pero noong September 22, 2013, muntik na namang maghiwalay sina Aljur at Kylie.


Hindi na sinabi ng dalawa ng dahilan, pero hinarana raw ni Aljur si Kylie sa dressing room ng huli sa kanilang show noon sa GMA na Sunday All Stars.

Read: Aljur Abrenica serenades girlfriend Kylie Padilla to win her back

Matapos ang ilang linggo, sinabi ng aktor na ang muntikan nilang paghihiwalay muli ni Kylie ay bahagi lamang ng pagtanda ng tao.


Saad niya, “Walang may kasalanan, e. Walang may kasalanan sa amin.

“It’s just part of growing up.

“Happy kami together. We’re together, and happy kami.”

Read: Aljur Abrenica says near-breakup with Kylie Padilla "part of growing up"

Ibinahagi rin niya kung ano ang nagpapatibay ng kanilang relasyon.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Kylie na mas nag-mature ang relasyon nilang dalawa ni Aljur.


Read: Kylie Padilla admits more mature relationship with boyfriend Aljur Abrenica; gears up for first starring role in Adarna

REAL BREAKUP. March 16, 2014, naging malaking usapin ang tungkol sa pagra-rant ni Aljur sa social media tungkol sa "respeto."


Sabi niya sa panayam ng Startalk, “Naiinis ako sa sitwasyon.

“Naiinis ako sa sitwasyon dahil medyo nawalan ng respeto, e. Sa sitwasyon.

“Pero no matter what the circumstances are, I wanna say sorry, sa lahat ng mga… kung may nasaktan man sa nangyari. I wanna say sorry."

Pero totoo nga bang may insidente na tinapik ni Aljur si Geoff Eigenmann nang magkita ang dalawa sa Sunday All Stars noon?

Si Geoff ang isa sa leading men ni Kylie noon sa primetime series na Adarna.

Pahayag ni Aljur, “Bilang isang karelasyon, bilang isang lalaki, never akong nagkulang.

“Kumbaga, dumating sa punto na kailangan mo talagang kumilos, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang pinu-point out ko dito, yung respeto.

“Alam ko kung paano mag-handle ng katrabaho, alam ko kung paano i-handle ang bawat relasyon, ang bawat nagiging leading lady ko.

“Sana matuto tayong lahat rumespeto.”

Read: Aljur Abrenica rants about respect

Noong mga panahong yun, inamin ni Carla Abellana na may problema sa relasyon nila ni Geoff.

Sa isang interview, pinabulaanan niyang nagkalabuan sila ni Geoff dahil kay Kylie.


Ani Carla, “Ako, honestly, being the girlfriend of Geoff and knowing him for the past four… five years, alam ko deep in my heart, at saka nung mga malalapit sa amin pati na yung mga katrabaho niya, na walang katotohanan kung anuman yung iniisip ng iba or kung anuman yung lumalabas.

“Pero siyempre ako, I stand by my belief that there’s really no truth to it, di ba?

“At saka hindi lang naman… I guess na-misinterpret lang siya. Dahil si Geoff kasi, sobrang nag-enjoy siya dun.”

Hindi rin daw naniniwala si Carla na may relasyon sina Geoff at Kylie.

“No, not at all. My gosh!

“Kung nasa… Let’s say there are ten things that we are dealing with, that’s not even in the list, siyempre. Wala ‘yon.”

Read: Carla Abellana quashes Geoff Eigenmann-Kylie Padilla rumors: “I stand by my belief that there’s really no truth to it.”


Bandang katapusan ng Marso 2014, nagkaayos din sina Aljur at Geoff.

Read: Aljur Abrenica now on good terms with Geoff Eigenmann

Kasunod naman nito ang pag-ugong ng balitang naghiwalay na diumano si Louise delos Reyes at boyfriend nitong si Enzo Pineda.

Si Aljur ang itinuturong third party sa breakup ng dalawa.


Magkasama noon sina Louise at Aljur sa teleseryeng Kambal Sirena.

Read: Louise delos Reyes and Enzo Pineda split because of Aljur Abrenica?

Tikom ang bibig ni Aljur tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Aljur Abrenica mum about alleged involvement in Louise delos Reyes-Enzo Pineda breakup


Kasunod nito, nagsilabasan na ang isyung tuluyan na raw tinuldukan nina Aljur at Kylie ang kanilang relasyon.

May 27, 2014, umiwas si Aljur sa mga tanong tungkol sa kanila ni Kylie.



Read: Aljur Abrenica declines to answer questions about status of relationship with Kylie Padilla

Sa May 31 interview ni Kylie sa Startalk, sinabi niyang si Aljur mismo ang nag-initiate ng breakup nila.

Pero nilinaw niyang hindi ang leading man niya sa Adarna na si Geoff Eigenmann ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

“Me and Geoff kasi, we’re so similar. We’re both middle children, so talagang nag-click kami.

“Maybe people saw na talagang close kami. Nilagyan talaga nila ng malisya.

“After that, parang awkward na sa akin, kaya umiwas na lang ako kay Geoff.

"Ang hirap kasi na magka-love team kayo tapos awkward na kayo sa isa’t isa."


Lumutang din dito ang pagkaka-link kay Aljur kay Louise.

Read: Kylie Padilla confirms breakup with Aljur Abrenica

Kalagitnaan ng Hunyo ng 2014, inamin ni Kylie na nagmu-move on na siya sa hiwalayan nila ni Aljur.

Read: Kylie Padilla moves on from breakup with Aljur Abrenica: "Lumipas na yung malungkot na panahon. Okay na."


Mas lalong uminit ang isyu ng hiwalayan ng dalawa nang magsalita ang ama ni Kylie na si Robin, kung saan tinawag pa nitong "bakla" si Aljur.

Saad niya sa June 29, 2014, interview ng PEP, “Hindi, hindi ko ibibigay ang opinyon sa inyo diyan kasi sumisikat pa ang ibang tao.

“Sinaktan na nga ang anak ko, kinakausap niyo pa 'ko tungkol diyan.

“Isang bakla ang gusto niyong pag-usapan."

Read: Robin Padilla on Kylie-Aljur breakup: “Isang bakla ang gusto niyong pag-usapan.”


FRIENDS AGAIN. July 23, 2014, inamin ni Aljur na nagbalik na ang komunikasyon nila ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “So ngayon, naging healthy naman yung breakup. And yung relationship namin, okay naman.

“Sometimes may connection pa rin, nagkakamustahan.

"And ayun, both parties naman okay and doing very well.”

Read: Aljur Abrenica says all is well between him and ex-girlfriend Kylie Padilla


Matapos nito, na-link si Kylie sa ibang mga lalaki.

Una rito si Rayver Cruz, ang leading man niya sa pelikulang Dilim, noong 2014.

Read: Kylie Padilla on blooming romance with Rayver Cruz: "Tingnan ko muna kung worth it yung guy."


Kasunod nito ay ang pagkakaroon ng aktres ng bagong boyfriend sa katauhan ni Matt Henares, pinsan ni Rhian Ramos.


Pero maingat na ang dalaga sa pagbibigay ng detalye tungkol sa bago niyang boyfriend.

Saad niya, “This time, mas gusto ko tahimik lang.

“Kasi masyado nang messy ang last breakup ko. Masyado nang open.

"This time, ayoko na magsalita."

Read: Kylie Padilla refuses to give details about relationship with new boyfriend Matt Henares

Pero short-lived lamang ang relasyon nina Kylie at Matt. Noong Hunyo 2015, naghiwalay rin ang dalawa.

Read: Kylie Padilla confirms breakup with Matt Henares

June 28, 2015, muling nagparamdam si Aljur kay Kylie.


Aniya, “Feelings will never go naman.

“It's how you'll face and handle the situation.

“[It comes with] maturity, e.

“I'm happy right now kasi when we talk, before kasi hindi kami masyadong...

“Right now, kasi, mas nakikilala namin yung isa't isa. Alam mo yun?”

Read: Aljur Abrenica open to rekindle relationship with ex-girlfriend Kylie Padilla: "I really admire her as a woman."

Late 2015, umugong naman ang balitang nag-uugnay kay Kylie sa co-star niya sa Buena Familia na si Julian Trono.


Mas matanda ng ilang taon si Kylie kay Julian. Ngunit para sa dalaga, hindi raw importante ang edad sa kanya pagdating kay Julian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Kylie Padilla says Julian Trono broke her belief about falling for someone younger than her

Ngunit pagkatapos nito ay walang masyadong balita tungkol sa kanilang dalawa.

JAPAN REUNION. Ikinagulat naman ng marami ang pag-post ni Aljur ng larawan nilang dalawa ni Kylie habang nasa Japan, noong huling bahagi ng October 2016.


Dito na umugong ang balitang muling nagkabalikan ang dalawa.

Read: Ex-couple Aljur Abrenica and Kylie Padilla together in Japan

Matapos ang isang linggo, eksklusibong nagpaunlak ng panayam si Aljur sa PEP.

Dito niya inaming nagkabalikan na nga sila ni Kylie noong Setyembre 2016.

Read: PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica confirms rekindled relationship with Kylie Padilla


Dito rin naungkat na nagkaroon ng relasyon sina Kylie at Julian.

Nais din daw kumprontahin ni Aljur si Julian dahil sa hindi raw nito magandang ginawa sa nakabalikang kasintahan.


Read: PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica wants to confront Julian Trono over Kylie Padilla's revelation to him

PREGNANCY AND ENGAGEMENT. Pagpasok ng 2017 ay lumutang ang balitang buntis na diumano si Kylie.

Kinumpirma ito ng ilang sources sa PEP nitong Lunes, January 23.

Kinabukasan, January 24, inanunsiyo ng talent management ni Kylie na engaged na ang aktres kay Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN