Benjamin Alves reveals what he likes most about Julie Anne San Jose

IMAGE Noel Orsal

Benjamin Alves shares what he likes best about rumored girlfriend Julie Anne San Jose: "Una kong napansin ay ang lips at eyes niya. Parehong maganda. But ang pinakamaganda kay Julie is her heart. Kaya when she sings, ramdam na ramdam mo, kasi galing iyon sa puso niya."

 


Dahil gumaganda ang pagtitinginan nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, mas madali raw nilang nagagawa ang mga eksena nila sa upcoming Kapuso afternoon drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Natatawang sabi ni Benjamin, “Hindi na kasi kami kailangan pilitin pang magpakilig kasi may kilig na talaga!

“It’s true, kasi whenever we’re on the set, yung mga tao sa paligid namin, para silang may inaabangan na gagawin namin ni Julie.

“Natatawa lang kami ni Julie and, at the same time, we’re happy kasi ramdam namin yung support ng mga tao sa set.

“One thing is that we’re both inspired to work.

“When the person you like so much ay halos every day mong nakikita at nakakasama, it does something to you na positive.

“Parang the whole day nakangiti ka... Julie makes me smile.

“And that’s enough reason kung bakit gusto kong may taping kami parati.”

Inamin pa ni Benjamin na noong nagkasama sila ni Julie Anne sa acting workshop, hindi maalis ang tingin niya sa labi at mga mata ng singer-actress.

“Noong titigan ko si Julie, una kong napansin ay ang lips at eyes niya.

“Doon talaga ako tumingin. Parehong maganda, they bring out the best in her.

“But, I guess, ang pinakamaganda kay Julie is her heart.

“Kaya siguro when she sings, ramdam na ramdam mo, kasi galing iyon sa puso niya,” pahayag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

PROTECTIVE. Nabanggit ni Julie Anne, sa hiwalay na panayam, na kapag kasama niya si Benjamin ay safe ang pakiramdam nito.

Natuwa naman ang aktor dahil simula raw noong makilala niya si Julie Anne, pakiramdam niya ay kailangan niya itong alagaan nang husto.

Aniya, “There is something in Julie na, in my heart, I need to take care of her and protect her.

“Especially noong time na ang daming namba-bash sa kanya on social media.

“Masakit talaga ang mga sinasabi nila sa kanya, and there was a time na gusto ko na ako na ang sasagot sa kanila.

“But I realized na hindi rin tama yun. Why stoop down to that level, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ikaw na rin ang nagpatalo.

"That’s why I tell Julie that she should take the high road.

“Huwag na lang siyang sasagot sa mga bashers kasi siya rin ang lalabas na kawawa.

“I just tell her what a great person she is, and I always like to see her smile.

“Don’t let these people affect her kasi mas kilala niya ang sarili niya.”

APPRECIATIVE PARENTS. At this stage, gusto na raw ipakilala ni Benjamin si Julie Anne sa kanyang pamilya, pero nasa Guam ang mga ito.

Nangako kasi ang Kapuso actor sa kanyang pamilya na kapag may natagpuan na siyang babaeng mamahalin, ipapakilala niya ito kaagad sa kanila.

Saad ni Benjamin, “Everything happens at the right time.

“My family is not here, but they are very excited to meet her.

“During the holidays, wala ring chance umuwi ng Guam.

“But I share pictures with them, so alam naman nila yung nangyayari with me and Julie.

“They get to communicate naman, so we’re good.

“Nagpadala pa nga si Julie ng gifts for my parents noong umuwi ako.

“They really appreciated it kaya excited na rin sila makilala si Julie in person.

“Kung kailan iyon, that will be my surprise to Julie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN