Aljur Abrenica posts touching birthday message for fiancée Kylie Padilla

IMAGE PEP File

May kurot sa puso ang birthday message ni Aljur Abrenica para sa kanyang fiancee na si Kylie Padilla. Ayon sa binata, marami silang pinagdaanan para lamang makamtan ang kanilang "happily ever after."


Isang makahulugang mensahe ang ipinost ni Aljur Abrenica sa Instagram ngayong araw, na siya ring ika-24 kaarawan ng kanyang fiance na si Kylie Padilla.

Ang Instagram post ni Aljur ay may kinalaman sa pakikipaglaban sa ngalan ng pag-ibig.

Tila sumasalamin ito sa pinagdadaanan nilang dalawa ngayon ni Kylie.

Caption ng aktor sa kanyang post: “Happy Birthday love ?"

Happy Birthday love ?

A photo posted by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on

Kagabi lamang, January 24, ay inanunsiyo ng Vidanes Celebrity Marketing, ang talent management ni Kylie, na engaged na ang aktres kay Aljur.

Read: Kylie Padilla and Aljur Abrenica are engaged!

Ito ay matapos kumpirmahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis na ang Encantadia star sa anak nila ni Aljur.

Read: Kylie Padilla is three months pregnant; Aljur Abrenica camp denies breakup

Makulay ang naging relasyon nina Aljur at Kylie, na nagsimula noong 2011 at dumaan sa ilang beses na hiwalayan.

Ngunit noong Setyembre 2016 ay nagkabalikan sila at ngayon ay humantong na sa kanilang engagement.

Read: PEP LOOKBACK: The Aljur Abrenica-Kylie Padilla love story


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN