Meg Imperial stands by JM de Guzman through thick and thin: "I'm always there for him."

IMAGE Instagram / Glenn Regondola

Meg Imperial on possibility of rekindling romance with JM de Guzman: "Ayoko namang sabihin na dahil nagbabalik siya, e, ia-allow ko na lang. Siyempre, meron pa rin tayong binabasehan na, 'Is he good for me or am I good for him as well?' Magki-click ba talaga kami? Or baka madala lang kami sa tukso sa amin ng tao."


Natutuwa si Meg Imperial na muling bumabalik si JM de Guzman sa showbiz matapos ang ilang buwang pagkawala nito sa limelight.

Si Meg ay na-link noon kay JM bago sumabog ang balitang nakipagbalikan ang aktor sa dati nitong girlfriend na si Jessy Mendiola.

Pagkatapos nito ay kumalat ang balitang muling dinala si JM sa isang rehabilitation facility dahil sa kanyang drug use.

Pero ayon mismo kay Meg, hindi nawala ang friendship nilang dalawa sa kabila ng mga pangyayaring ito.

Pahayag ng sexy actress tungkol sa pagbabalik ni JM, “Yes, oo nga. I guess, na-post yung picture namin.”

Ang tinutukoy ni Meg na larawan nila ni JM ay kuha sa intimate performance ng aktor sa musical play na Sweeney Todd noong December 2016.

Read: JM de Guzman returns to acting via musical play

Read more at http://www.pep.ph/news/65657/jm-de-guzman-returns-to-acting-via-musical-play#YWLyRaFELK7rWr9c.99

Patuloy niya, “Well, I'm happy for him, always.

“Ako naman kasi, although everyone knows naman what happened to us, never akong nagkaroon ng sama ng loob sa kanya.

“I'm always there for him, to support him na naka-recover.

“I want to be that friend na all of those friends na nakapaligid sa kanya who were into this... siguro na-suffocate na siya.

“I want to be that kind of person who will support him.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meg sa presscon ng pelikulang Swipe (Now Searching), sa Tektite Building, Ortigas, Pasig City, noong January 23.

OPEN COMMUNICATION. Kahit wala raw sa paningin niya si JM, hindi nawala ang kanilang komunikasyon.

Saad ni Meg, “I guess, yes.

“Napaparating ko naman 'yan sa kanyang tito, his dad.

“Nangungumusta, as usual, a friend na, 'Kumusta naman siya?'

“Nagri-respond naman na he's doing good.”

Hindi kaya factor ang hindi niya pagbitaw sa friendship nila kung bakit nagpursige si JM na gumaling na talaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Sana, sana one of the reasons ako.

“Yun naman kasi ang goal ko, e.

“To inspire him to do better as a friend kasi, ang kaibigan naman talaga, tutulungan mo sila na makabangon sila sa nangyari sa kanila.”

SECOND CHANCE. Paano kung balikan din siya nito? May second chance pa bang aasahan ang comebacking actor?

Sagot ni Meg, “Hindi ko masabi, tingnan natin.

“Ayoko namang sabihin na dahil nagbabalik siya, e, ia-allow ko na lang.

“Siyempre, meron pa rin tayong binabasehan na, 'Is he good for me or am I good for him as well?'

“Magki-click ba talaga kami? Or baka madala lang kami sa tukso sa amin ng tao.”

Kung sakali, handa ba siyang ibigay ito kay JM?

Saad niya, “If ever he decides, I'm not closing any doors.

“Pero siguro he would do it, yun ang magiging malaking impact.

“I'm really a good friend to JM and okay kami ngayon.

“I watched his play at ang galing niya talagang aktor.”

Nagpaparamdam na ba si JM sa kanya?

Diretsahang sagot ni Meg, “Wala pa naman. Wala pa kaming conversation na ganun.

“So far, I'm happy na nandun ako sa likod niya.

"And I'm happy na bumabalik siya dahil he's really one of the good actors we have.

“Super-gentleman din pati siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN