LJ Reyes explains why she remains a loyal Kapuso; wants to work with actors from other networks

IMAGE Noel Orsal

LJ Reyes on switching to other networks: "I think, for actors, meron talagang mga point na feeling mo you're not important, or feeling mo… But, you know, habang tumatagal, mare-realize mo na it's not you, it's just how it is."


Labindalawang taon nang Kapuso artist si LJ Reyes mula nang itanghal siya bilang First Princess sa StarStruck Season 2, ang reality-based artista search ng GMA Network.

Sa mahabang panahong iyon, naisipan ba ng aktres na lumipat ng bakuran?

Ayon kay LJ, “You know, I think, to be honest... I think, for actors, meron talagang mga point na feeling mo you’re not important, or feeling mo…

"But, you know, habang tumatagal, mare-realize mo na it’s not you, it’s just how it is.

“I mean, siyempre we are all seasonal workers.

"I mean, hindi naman puwedeng ikaw lang lagi ang may soap.

“So, parang, siyempre timing-timing 'yan, e.

“I mean, habang tumatagal ka sa industriyang ito, maiintindihan mo na how it works.”

Muntik na ba siyang matukso na umalis sa bakuran ng GMA-7?

Saad ng 29-year-old actress, “Very loving kasi ako, especially to the people na talagang maalaga naman sa akin, napi-feel ko na love din ako. 

“Yun ngang mga taong hindi naman pinaparamdam sa akin na love ako, I give them… I let them feel na I respect them, ganyan.

"So, what more yung mga taong ganun?

"And GMA has been so supportive of me, through everything.

"Hindi naman ako yung winner, but still I am here.

“Di ba, sa StarStruck, hindi naman ako yung winner? They could have just let me go."

Ang nanalo bilang Ultimate Female Survivor sa batch nina LJ ay si Ryza Cenon, na napapanood ngayon sa afternoon drama series na Ika-6 Na Utos.

Patuloy ni LJ, “Tapos, I was in school at the same time na nagwo-work ako.

"Puwede naman nilang sabihin sa akin, ‘Sige, mag-aral ka. Hindi ka namin pipigilan kasi gusto mong mag-aral.’

“Di ba, minsan may mga ganyan? Pero hindi.

"Sila pa nag-e-encourage sa akin na, ‘Okay, ayusin natin ang schedule mo,’ ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nagka-baby ako, sinabi lang nila sa akin na pagkalabas ni Aki, when I’m ready, I can go back to work.

"Hindi pa nga ako umuuwi galing Amerika, tinatawagan na nila ako.

“So, I never felt na... parang wala atang chance na maisip ko pa yun.”

Si Aki ang anak ni LJ sa dati niyang boyfriend na si Paulo Avelino.

So, solid Kapuso siya?

Tugon ng aktres, “Yes. And I would want to work with other people.

"And I’m hoping na dumating yung isang araw na lahat kami magkaroon ng isang platform kung saan nakakapag-work kami, di ba?

“Kasi, dun din kami maggu-grow as artists, e… as actors.”

WORK-LIFE BALANCE. Kumusta ang balanse ng kanyang showbiz career at personal niyang buhay ngayon?

Saad ni LJ, “Ngayon, I would want to believe na yung buhay ko ngayon, it’s very balanced.

“Kasi siguro natuto na rin akong mag-prioritize.

"Like, nagsabi talaga ako sa GMA na, as much as possible, kung puwede yung weekend ko, hindi ako magtrabaho because of Aki.

“Kasi si Aki goes to school Monday to Friday. Grade One na siya, so medyo tight na yung schedule niya.

"Kapag nagwo-work ako ng weekdays, umuuwi ako tulog na siya. Minsan aalis ako tulog pa rin siya or baligtad, di ba?

“Sa pagod ko, minsan aalis siya, tulog pa ako. Kahit naduduling ako, minsan tina-try ko talagang gumising.

“So, yung weekend ko, talagang gusto ko na siyang ilaan talaga para lang kay Aki, na makapag-spend kami ng time together.”

Pagdating naman sa kanyang love life, natatawang pahayag ng aktres, “Ang love life naisisingit-singit ‘yan.”

So “isinisingit” lang niya ang nobyong si Paolo Contis?

Paglilinaw ni LJ, “Hindi, 'no... I mean, it’s just there.

"I mean, if that special person supports you with everything that you do, nandun lang siya, hindi mo kailangang hanapan ng schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi andun lang siya every step of the way in your life.”

Pero paglilinaw ni LJ, ang kanyang anak ang prayoridad niya.

“Oo naman! Anak ko, si Aki,” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN