Maria Isabel Lopez agrees with Gloria Diaz on Maxine Medina's Miss Universe chances

IMAGE Instagram (Ma. Isabel Lopez and Maxine Medina)

Maria Isabel Lopez on Maxine Medina's chances of winning the Miss Universe crown: "Kahit sabihin pang hindi ito isang intelligence contest, aminin na natin na the intelligent candidate always stands out."


Sinang-ayunan ni Bb. Pilipinas-Universe 1982 Maria Isabel Lopez ang pahayag ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz na “one in a million” ang tiyansa ni Maxine Medine na masungkit ang korona ng Miss Universe 2016.

Ayon kay Gloria, "politically incorrect" na si Maxine ang manalong Miss Universe dahil dito sa Pilipinas ginaganap ang pinakapamosong international beauty pageant.

Read: Gloria Diaz says Maxine Medina winning Miss Universe "not politically correct"

Sabi naman ni Isabel, "Ang nangyayari kasi sa Miss Universe, kapag ikaw ang host country, they always put the candidate sa Top 10.

"But then, our candidate needs really to come out strong.

"Kailangang-kailangan talagang malakas ang dating niya to make it to the Top 5."

Sa Miss Universe ngayong taon, ang panibagong ruling ay wala nang Top 10, kundi Top 12 na lang.

Pagkatapos nito ay pipiliin ang Top 9, Top 6, hanggang sa matira ang Top 3, kung saan manggagaling ang kokoronahang Miss Universe.

Ano naman sa palagay niya ang magiging standing ni Maxine bilang kinatawan ng ating bansa?

Ayon sa veteran actress, "Oh, she's gorgeous, she's beautiful.

"Remember, in a pageant, lahat maganda, lahat dolled up.

"So, kumbaga, 'What made you stand out?'

"So, kahit sabihin pang hindi ito isang intelligence contest, aminin na natin na the intelligent candidate always stands out."

INTERPRETER FOR MAXINE. Sang-ayon din ba siya sa suhestiyon ni Gloria na gumamit si Maxine ng interpreter dahil parati itong naba-bash na mahina ang communication skills?

Saad ni Isabel, "Yun nga, sabi ko nga, wala talaga tayong precedent na gumamit talaga tayo ng interpreter.

"It doesn't mean na yun ay mali.

"Wala pa lang incident sa history ng ating beauty pageant na nagkaroon tayo ng candidate na gumamit tayo ng interpreter.

"And, of course, we have the option.

"Wala namang rules against it, e."

Pero kung siya ang tatanungin, isa-suggest din ba niya ito kay Maxine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ng 54-year-old actress-beauty queen, "Well, if she thinks she's not confident enough sa Q&A portion, given na nandun siya sa Top 5, kumuha ka ng interpreter.

"But then, if she has the confidence naman, and you don't need one, because karamihan naman sa mga naging titleholders natin ay di naman talaga gumamit ng interpreter.

"If she [can] get away with it, huwag na lang.

"And if she can really express her answer well, if she has that confidence, and if she doesn't have, you're always free to get an interpreter.

"Baka makatulong at mas mapaganda pa ang sagot niya, di ba?"

Dagdag pa niyang opinyon tungkol sa pagkakaroon ng interpreter ng pambato ng Pilipinas, “Hindi kasi yun ang norm.

"At saka, wala pa ngang nangyari na ganyan in the past.

"Kasi, let's face it, among all countries in Asia, ang Philippines is an English-speaking country na even street children can speak English.

"So, good, luck Maxine. We're all behind you.

"And Swipe, ha? February 1," pagbanggit pa ni Isabel sa kanyang lalabas na pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN