Vivian Velez blasts G Tongi for questioning Mocha Uson's MTRCB appointment

IMAGE Anj Sampayan / @gtongi on Instagram

Binanatan ni Vivian Velez (kaliwa) si G Tongi (kanan) kaugnay ng pagkuwestiyon nito sa kuwalipikasyon ni Mocha Uson (wala sa larawan) bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).


Tila nakahanap ng kakampi ang sexy dancer-singer turned blogger na si Mocha Uson sa katauhan ng veteran actress na si Vivia Velez.

Kagaya ni Mocha, isa ring masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vivian.

Ito ay kaugnay ng pagkuwestiyon ng US-based actress-TV host na si G Tongi sa kuwalipikasyon ni Mocha bilang bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Nangyari ito sa meet-and-greet ng Filipino journalists kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa Amerika noong nakaraang linggo.

Read: G Tongi questions MTRCB appointment of "sex blogger" Mocha Uson

“THE ISSUE IS SO BENEATH ME.” Sa kabilang banda, ayaw naman na raw patulan ni G ang mga pambabatikos ni Mocha at ng mga tagasuporta nito laban sa kanya.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni G na wala siyang panahon para makipagtalo sa mga tagasuporta ni Mocha na "one sided, completely brainwashed thinking."

Patutsada pa ni G kay Mocha: "Please girl, for you to even consider I'd retaliate by answering you or your followers, is not worth my energy and time. This issue is so beneath me!"

Narito ang screenshot ng Facebook post ni G:


“INTELLECTUAL WANNA BE.” Hindi naman pinalampas ng veteran actress na si Vivian Velez ang Facebook post na ito ni G.

Sa pamamagitan ng kanyang sariling Facebook account, binanatan din ni Vivian si G.

Kalakip ng screen shot ng FB post ni G, tinawag ni Vivian ng kung anu-anong salita ang una: "publicity hungry", hypocritical intellectual wannabe", "Blue passport holder biatch".

Buwelta pa ni Vivian: "Remember your roots, girl!"

Ito ang kabuuang post ng veteran actress:

“Some publicity hungry, hypocritical and intellectual wanna be, pretending not to care host just placed herself (yes, she placed herself intently and intentionally) right at the back of the most popular Filipino internet figure, hollering, 'giddiyap! Let's go!' Another Blue passport holder biatch that makes her believe that she is all knowing and superior than any of us. Remember your roots, girl!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinamahan pa niya ito ng mga hashtag na “#hypocrite #starlet” “#Fieldsbaby#checkpointbabe #AngelesCity


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN