Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

PEP EXCLUSIVE. Kylie Padilla tries to stay positive despite negative comments

by Arniel C. Serato
Jan 27, 2017
Kylie Padilla on Aljur Abrenica's decision to break their silence: "Kung magiging asawa ko siya at matutuloy yung kasal namin, kailangan maintindihan ng tao na kaming dalawa dito. Hindi lang ako, hindi lang ang anak ko. Kasama ko siya."

Kung apektado si Aljur Abrenica sa bashing na natatanggap niya ngayon sa social media, mas apektado ang fiancée nitong si Kylie Padilla sa mga masasakit na salitang ibinabato sa ama ng kanyang dinadala.

Isa sa pinakamasakit na batikos na natanggap ng engaged couple ay ang pandadamay umano ni Aljur—na wala na diumanong career—sa papausbong na karera ni Kylie.

Mahinahong saad ng Encantadia actress tungkol dito, “Uhm, siyempre, in some ways, alam ko kung bakit nagsasalita sila ng ganun.

“They see it na dalawang artista, yun, yun ang nakikita nila—dalawang artista na naging couple.

“Well, for us two naman, we don’t see each other as artista.

"We really do see each other na taong nagmamahalan.

“So, nasasaktan ako.

"Pero I’m trying my best to be positive, kasi kailangan kong gawin yun para sa baby.

"Ayokong ma-absorb niya ang anumang negativity at stress na nangyayari ngayon, kahit minsan mahirap."


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Suportado rin ni Kylie ang desisyon ni Aljur na magsalita na tungkol sa kanilang engagement at sa kanyang pagbubuntis.

“Kaya nung sinabi niya na gusto niyang magsalita, siyempre support ko siya.

"Kasi, unfair naman din kasi in some ways sa akin…

"Saka kung magiging asawa ko siya at matutuloy yung kasal namin, kailangan maintindihan ng tao na kaming dalawa dito.

"Hindi lang ako, hindi lang ang anak ko. Kasama ko siya."

Pinili nina Aljur at Kylie na ihayag ang kanilang panig sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa unang artikulong lumabas dito sa PEP, naglabas ng kanyang hinanakit si Aljur sa management ni Kylie, na unang naglabas ng balitang engaged na sila ng nobya.

Ipinaliwanag din ng aktor na bago pa man mabuntis si Kylie ay engaged na sila.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Kylie Padilla, Aljur Abrenica
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla on Aljur Abrenica's decision to break their silence: "Kung magiging asawa ko siya at matutuloy yung kasal namin, kailangan maintindihan ng tao na kaming dalawa dito. Hindi lang ako, hindi lang ang anak ko. Kasama ko siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results