Joey Reyes defends Maxine Medina from bashers who "speak English with perfect grammar"

IMAGE Noel Orsal (Maxine)/Screenshot of Joey Reyes's Twitter post

Director Joey Reyes hits back at bashers of Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina: "The insults Maxine receives about her communication problems make it seem like EVERYONE speaks English with perfect grammar. TALAGA, HA?"


Ipinagtanggol ng direktor na si Joey Reyes si Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina laban sa mga negatibong komento sa kakayahan nitong magsalita ng wikang Ingles.

Si Maxine ang kinatawan ng Pilipinas sa isinasagawang Miss Universe beauty pageant dito sa bansa.

Ayon sa mga kritiko ng Pinay beauty queen, mahihirapan si Maxine na maiuwi ang Miss Universe crown dahil sa hindi raw nito kagalingang sumagot sa Q&A.

Ngunit may mensahe si Direk Joey sa mga bumabatikos kay Maxine.

Sabi niya sa kanyang Twitter account kagabi, January 26:

“A nagging question: Why do people go out of their way bashing Maxine Medina when the girl is trying her best to give pride to her country?”

Pinatamaan din ng batikang direktor at scriptwriter ang nanlalait sa communication skills ni Maxine:

"The insults Maxine receives about her communication problems make it seem like EVERYONE speaks English with perfect grammar. TALAGA, HA?"

Sinang-ayunan naman siya ng isang follower na may username na @_theDarthKnight: “@DirekJoey mayayabang talaga ang ilang pinoy direk.”

Tugon dito ni Direk Joey: “@_theDarthKnight Ang dudunong at ang gaganda nila, di ba? Sila kaya ang rumampa na naka-bathing suit sa entablado with their PERFECT ENGLISH.”

Ngayong Biyernes, January 27, muling nagbigay ng paalala si Direk Joey sa mga patuloy na namba-bash sa kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2016.

Aniya, “Remember: the criticism you award another is as much a reflection of who you are as with who or what you are commenting on.

Sinabi rin ng direktor na sa halip na maliitin si Maxine, i-appreciate na lamang ang mga ginagawa nito bilang kandidata ng Pilipinas.

"Again, she is GIVING HER BEST. We must appreciate Maxine Medina's efforts to make us proud as a nation. AFFIRM rather than belittle her."

Nauna nang iminungkahi nina Miss Universe 1969 Gloria Diaz at Miss Universe 1999 1st runner-up Miriam Quiambao na kumuha ng interpreter si Maxine, kung sakaling makapasok ito sa Top 6 ng Miss Universe 2016, upang maipahayag daw nito nang mas maayos ang nais sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nakaraang panayam kay Maxine, sinabi niyang ikinukunsidera rin niya ang kumuha ng interpreter.

“Wala namang masama kung magta-translate tayo, and I’m here also to win. I will request if I have to,” aniya.


Stories We Are Tracking

Maxine still considering interpreter for Miss U finals
Maxine still considering interpreter for Miss U finals
Maxine Medina considers using interpreter in Miss Universe
Maxine Medina considers using interpreter in Miss Universe
Gloria Diaz pessimistic about back-to-back Miss U win for PH
Gloria Diaz pessimistic about back-to-back Miss U win for PH


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN