Jodi Sta. Maria visits wake of mom of ex-BF Baron Geisler

IMAGE Facebook (Baron Geisler)

Jodi Sta. Maria shows up at the wake of Baron Geisler's mom, Grace Bayonita, who passed away last Sunday, January 22. 


Bumisita si Jodi Sta. Maria sa burol ng ina ng kanyang dating ka-love team at ex-boyfriend na si Baron Geisler.

Pumanaw ang ina ni Baron na si Grace Bayonito dahil sa iba't ibang kumplikasyon, kagaya ng cancer of the lungs at kidney malfunction, noong Linggo, January 22.

Siya ay 60 yars old.

Read: Baron Geisler's mother passes away

Ipinost ni Baron ang larawan nila ni Jodi, na kuha sa harap ng puntod ng ina ng aktor, sa kanyang social media accounts.

Parehong nakangiti ang dating magkasintahan.

Caption dito ni Baron: “Salamat kapatid! Tuwa mom nito.”

Salamat kapatid! ?????? Tuwa mom nito.

A photo posted by Baron Geisler (@barongeisler) on

Ibinurol ang mga labi ng ina ni Baron sa Mabalacat, Pampanga, at nai-cremate ngayong Biyernes, January 27.

Naging magka-love team sina Baron at Jodi sa ABS-CBN TV series na Tabing Ilog noong '90s.

Nauwi sa totohanan ang kanilang relasyon at nanatiling magkaibigan kahit na nagkahiwalay na sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN