Ara Mina, GMA management finally iron out misunderstanding

IMAGE Arniel C. Serato

Natuldukan na ang hindi pagkakaintindihan ni Ara Mina at ng produksiyon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Ito ang inanunsiyo ng aktres sa kanyang Instagram post nitong Biyernes ng gabi, January 27.


Naplantsa na sa wakas ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ni Ara Mina at ng production staff ng kinabibilangan nitong afternoon drama series sa GMA Network, ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Nitong Biyernes ng gabi, January 27, ipinaalam ni Ara sa kanyang mga tagahanga at mga kaibigan na nagkaayos na sila ng produksiyon, sa pamamagitan ng mga tagapamuno ng Kapuso network.

Humingi rin siya ng paumanhin dahil sa kanyang Instagram rant noong January 6.

Narito ang buong mensahe ni Ara:

"Last January 6, 2017, nag-post ako both on Instagram and Facebook na gusto ko nang mag-quit sa isang project.

"The said post called the attention of the prod staff of Pinulot Ka Lang Sa Lupa and the bosses of GMA-7.

"Nagkausap na kami ng mga boss at nagkalinawagan na rin.

"May mga concerns lang talaga ako that needed to be ironed out.

"However, I also want to apologize for my action of posting my emotions on social media.

"Alam ko madami sa inyo ang na-bother at nag-worry and I truly appreciate your support. Everything's okay now.

"Thanks to the bosses of GMA-7 for understanding me. Peace to all."

Noong January 6, 2017, nag-post si Ara sa Instagram na magku-quit na siya sa isang show na aniya’y hindi nagbigay sa kanya ng importansiya at pagpapahalaga.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ara, sinabi niyang sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa ng GMA siya nagku-quit.

Read: Ara Mina quits GMA's Pinulot Ka Lang Sa Lupa: "I cannot allow them to devalue me any further."

Sa grand presscon ng teleserye noong January 15, hindi nakita si Ara.
Ngunit ayon sa isang executive ng network, patuloy pang nag-uusap ang magkabilang kampo tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN