PEP EXCLUSIVE. Kylie Padilla and Aljur Abrenica appeal for understanding

IMAGE Mark Atienza

Aljur Abrenica: "Sa mga nakakaintindi, maraming salamat. Sa mga hindi, humihingi ako ng pang-unawa. Pasensiya na kung nahuli. Pero maaasahan ninyo, sa kampo ni Kylie, mamahalin ko siya. Mahal na mahal ko 'to."


Sa July 2017 nakatakdang isilang ni Kylie Padilla ang anak nila ng kanyang fiance na si Aljur Abrenica.

Sa huling bahagi ng eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanilang dalawa noong Huwebes, January 26, gustong ipaabot ng engaged couple sa kanilang mga tagahanga at kamag-anak ang nararamdaman nilang saya sa pagpasok ng bagong yugtong ito ng kanilang buhay.

Napaaga man daw ang kanilang pagiging magulang, hindi naman nila pinagsisisihan ang "blessing" na dumating sa kanila.


Kasunod ng balitang engagement nila at pagbubuntis ni Kylie, samu't saring mga komento ang nababasa nilang dalawa sa social media.

Pero mas pinili raw nilang maging positibo.

Pahayag ni Kylie, “Actually, dun na lang ako sa mga positive. For once in my life, e, di joke lang.

“Gusto ko magpasalamat sa lahat talaga na ang gaganda at mapagpamahal ang mga tweets at comments, at naiintindihan nila na yung choice ko na pangalagaan—choice namin na pangalagaan—ang blessing na dumating.

“Gusto ko magpasalamat sa inyo and, yun, nakakataba talaga ng puso na mas pinipili niyo ang puso niyo na makaintindi.”


Para naman kay Aljur—na mas maraming natatanggap na negatibong komento kaysa sa positibo—nais niyang magpaabot ng mensahe ng pang-uunawa sa sitwasyon.

Sabi ng aktor, “Salamat sa pag-intindi, sa pagmamahal na sinabi ni Kylie.

“Gusto ko rin humingi ng pang-unawa mula sa inyo.

"Kaya hindi ako nagsalita, at naunahan ako, dahil ang intensiyon ko lang naman ay hindi maging padalus-dalos, at maging maayos ang magiging resulta at maiiwasan ang lahat ng mga nangyari these past few days.

“Yung mga nangyayari na yun, yun ang iniiwasan ko.

"Kasi ang concern ko talaga ay si Kylie at ang bata.

“Napaka-critical ng mga nangyayari, lalo na at patapos na yung first trimester niya, na baka makakaapekto sa bata. Yun yung pinaka-sensitive.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Aljur, “So, sa mga nakakaintindi, maraming salamat.

"Sa mga hindi, humihingi ako ng pang-unawa. Pasensiya na kung nahuli.

"Pero maaasahan ninyo, sa kampo ni Kylie, mamahalin ko siya.

"Mahal na mahal ko ‘to.

“Sana samahan niyo kami ulit.

"Alam kong sinamahan niyo na kami noon sa journey namin, lalo na sa pagdating ng panahon na tatlo na kami."


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla on her pregnancy:
Kylie Padilla on her pregnancy: "Sorry, napaaga."
Kylie Padilla reveals parents' reaction to her pregnancy
Kylie Padilla reveals parents' reaction to her pregnancy
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
<strong>PEP LOOKBACK:</strong> The Aljur Abrenica-Kylie Padilla Love Story
PEP LOOKBACK: The Aljur Abrenica-Kylie Padilla Love Story


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN