Yasmien Kurdi believes Kylie Padilla's pregnancy won't slow down her showbiz career

IMAGE Rose Garcia

Yasmien Kurdi believes Kylie Padilla's pregnancy will not affect her showbiz career: "Depende naman yun sa kanya, kung paano ang drive niya sa showbiz, kung paano niya iha-handle yun."


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien Kurdi tungkol sa pagdadalantao ni Kylie Padilla ngayon.

Halos magka-edad lang sila ni Kylie noong mabuntis si Yasmien noon sa anak nila ng asawang si Rey Soldevilla.

Twenty-three si Yasmien noong mabuntis, habang si Kylie naman ay 24 anyos.

Nakapanayam ng PEP si Yasmien matapos ang kanyang contract renewal sa GMA-7 kamakailan sa Limbaga 77 resto sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

May ilang komento sa social media na sayang daw ang career ngayon ni Kylie.

Base sa karanasan niya, masasabi ba ni Yasmien na nakakasira ng career ang pagbubuntis nang maaga?

Saad niya, “Hindi naman, depende naman yun sa kanya, kung paano ang drive niya sa showbiz, kung paano niya iha-handle yun.”

APPREHENSIONS ABOUT SHOWBIZ COMEBACK. Natakot din ba siya noong malaman niyang buntis siya noon?

Pag-amin niya, “Natakot ako at first, kasi hindi ko alam kung paano maging ina.

“Hindi ko alam kung paano ko siya sisimulan.”

Wala na raw kasi siya sa showbiz noon dahil 2011 nang i-terminate ang kontrata niya sa GMA-7 at nag-focus siya sa pag-aaral.

“Namuhay ako nang tahimik noon talaga,” pag-aalala niya.

Hindi ba niya naisip na baka lalong hindi na siya makabalik sa showbiz noong mga panahong iyon?

Pahayag niya, “Wala namang ganun, kasi alam ko na makakabalik ako, e.

“Alam ko na makakabalik ako dahil nandun ang pagmamahal ko sa showbiz.

“Hindi ba, kapag mahal mo ang isang bagay at fighter ka, kailangan mag-think positive ka?

“Kailangan mong sabihing, 'Alam ko na makakabalik ako.'

“Dapat hindi negative ang pag-iisip mo.”

MUM ON RELIGIOUS DIFFERENCES. Sabi naman namin kay Yasmien, may iba pa rin silang pagkakahalintulad ni Kylie.

Magkaiba sila ng relihiyon ng kanilang mga asawa.

Si Yasmien ay miyembro ng Iglesia Ni Cristo, habang si Rey ay isang Katoliko.

Si Kylie ay isang non-practicing Muslim, samantalang si Aljur naman ay Christian na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong maipapayo niya sa ganoong situwasyon na pinagdaanan din niya?

Pag-iwas ni Yasmien, “Puwede bang no comment?

“Kasi, hindi ko siya isyu. Ayokong ma-quote and quote.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN