Pia Wurtzbach to Maxine Medina: "You are a queen! Nobody can tell you otherwise."

IMAGE @jonasofmercator on Instagram

Nakiusap si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa ating mga kababayan na huwag i-bash si Maxine Medina kaugnay ng Top 6 finish nito sa 65th Miss Universe. Ginawa raw ng ating panlaban sa Miss Universe ang lahat para sa bansa. 


Pinag-uusapan ngayon sa social media ang hugging photo nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina.

Kuha ito pagkatapos itanghal si Iris Mittenaere ng France bilang bagong Miss Universe sa grand coronation ng Miss Universe 2016 sa MOA Arena kahapon, January 30.

Isa sa mga nakakuha ng shot ng emosyunal na tagpong iyon ay ang mentor nina Maxine at Pia na si Jonas Gaffud.

Thank you so much @piawurtzbach for the gesture of comforting @maxine_medina #forthephilippines #missuniverse

A photo posted by Jonas Antonio Gaffud (@jonasofmercator) on

Naging palaisipan din sa netizens kung ano ang ibinulong ni Pia sa pambato ng Pilipinas sa 65th Miss Universe habang magkayakap sila.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Pia na noong hindi na natawag ang Philippines sa Top 3, kaagad niyang hinanap si Maxine upang pakalmahin at alalayan.

Aniya, “So, hinahanap ko siya, kasi alam ko yung tumatakbo sa isip niya, e. Alam ko.

“I’ve been through that before.”

Ayon kay Pia, hindi naman daw umiyak si Maxine na hindi ito nakapasok sa Top 3. Masaya nga raw itong umabot sa Top 6.

Dagdag pa ni Pia, “You know what, she’s actually okay. She wasn’t crying.

"I hugged her. I congratulated her.

“At ang sabi ko sa kanya, 'Mars, ang maganda dito, walang kakalat na video sa YouTube na nagkamali ka sa Q and A.'

"Kasi yun yung pinaka-inaalala niya na, ‘Pia, baka ma-bash ako.’

“Sabi ko, 'Wala nang mamba-bash sa 'yo kasi hindi ka nagkamali.'”

Kaugnay nito, pinag-usapan din ang graphic design ng isang netizen na nagpakita ng yakapan nina Pia at Maxine, kung saan lumutang daw ang mga kulay ng bandila ng Pilipinas.


Stories We Are Tracking

Gloria Diaz on Maxine Medina:
Gloria Diaz on Maxine Medina: "I think she did perfect!"
Maxine Medina on Miss U bid:
Maxine Medina on Miss U bid: "Happy na ako, at least Top 6."
Maxine Medina not disappointed with Top Six finish
Maxine Medina not disappointed with Top Six finish
Maxine Medina congratulated for her
Maxine Medina congratulated for her "stellar performance"

“YOU ARE A QUEEN.” Sa Twitter, nagpaabot din ng suporta si Pia kay Maxine.

Nakiusap din siya sa lahat ng mga Filipino na huwag i-bash si Maxine dahil ginawa raw nito ang lahat para sa ating bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN