Shamcey Supsup on Maxine Medina's Top 6 finish in Miss Universe: "She really gave her best."

IMAGE Instagram

Shamcey Supsup (right) on Maxine Medina's performance at the 65th Miss Universe: "No one can deny how good Maxine did. She performed very well. I am proud of her and I know the whole country is proud of her as well."


Kabilang si Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup sa sumuporta nang husto kay Miss Philippines Maxine Medina nitong nakaraang 65th Miss Universe.

Aksidenteng nakasalubong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shamcey sa isang mall nitong Martes, January 31.

Kinuha na namin ang pagkakataon upang tanungin siya kung ano ang masasabi niya sa naging performance ni Maxine sa ginanap na grand coronation Miss Universe.

Pahayag ni Shamcey, “Hindi na masama, di ba?

“She made it through the Top 13, tapos Top 9, and then Top 6.

“I know for myself na hindi madali iyon for Maxine, kasi na-experience ko ang pinagdaanan niya noong 2011.

“Yung bawat mention ng name ng candidates ay kinakabahan ako kung papasok ka ba or hindi.”

Patuloy niya, “Sa napanood ko naman kay Maxine, she really gave her best.

“She was out there and she really competed with all her heart.”

ONE STEP CLOSER. Nanghinayang naman si Shamcey na hindi nakapasok sa Top 3 si Maxine.

“Kasi nandoon na, di ba? Parang one step na lang talaga.

“But, of course, we cannot question the judges sa naging desisyon nila sa Top 3. It’s all up to them na talaga.

“But no one can deny how good Maxine did. She performed very well.

“I am proud of her and I know the whole country is proud of her as well.”

Sinang-ayunan din ni Shamcey ang sinabi ni Maxine na mag-move on na ang lahat dahil tapos na ang pageant at nakoronahan na si Iris Mittenaere ng France bilang bagong Miss Universe.

Saad niya, “Maxine is right. It’s time that we all move on.

“Tapos na ang competition, may winner na, and that’s it.

“Life goes on sa ating lahat.

“Let’s all be happy that the Philippines hosted the Miss Universe nang sobrang ganda.

“World-class ang presentation dito sa atin and everyone in the entire world really enjoyed watching it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN