Ellen Adarna on breakup with Baste Duterte: "I guess I handled it pretty well."

IMAGE Noel Orsal

Ellen Adarna is looking forward to a new relationship, not looking backward at her breakup with Baste Duterte: "What's done is done. I don't think na magkakabalikan kami."


Aminado si Ellen Adarna na kahit noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila ni Baste Duterte ay may pakiramdam na siyang hindi ito magtatagal.

Ayon sa sexy star, "I had the feeling.

"Pero alam mo na, pag na-in love ka, you feel like you're in high school again.

"I went for it, it was amazing.

"Now, we've really broken up, ayaw lang nilang maniwala.

"Kasi nga, nag-post kami ng picture to prove to people na we are not bitter.

“We are really, really good friends.

“I consider him as one of my... best friends.”

Nag-break sina Ellen at Baste bago mag-Pasko pagkatapos ng halos pitong buwan nilang pagiging magkasintahan.

Sabi pa ng Kapamilya star, “What's done is done.

"We still talk, but I don't think na magkakabalikan kami.

"We have our issues, and I’d rather keep it to myself."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ellen sa presscon para sa third anniversary ng Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home, na ginanap sa ELJ Building, sa ABS-CBN compound, kagabi, January 31.

MOVING ON. Hanggang ngayon ay wala pang malinaw na paliwanag si Ellen kung bakit umabot sa puntong naghiwalay sila ni Baste sa pamamagitan lamang ng text message.

Read: Ellen Adarna reveals Baste Duterte broke up with her via text

Sabi ng 28-year-old actress, "We really never talked about it, but I have a feeling.

"Feeling ko lang naman... when we talk, natatawa kami.

"Kasi alam niya na alam ko, we both knew it, but hindi namin pinag-uusapan.

"And I don’t want to talk about it dahil hindi naman namin napag-usapan."

Wala raw kinalaman ang pagiging presidential son ni Baste at ang pagiging sexy star niya sa paghihiwalay nila.

Kumusta naman siya after the breakup?

Aniya, "I guess I handled it pretty well.

"Okay lang, I wasn't shocked, yeah.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Ellen, hindi naman ito ang katapusan ng kanyang buhay pag-ibig.

Sabi niya, “Ang ma-in love, darating at darating 'yan.

"Ngayon, I'm single, and I'm enjoying it.

"Okey naman, I wanna date actually.

"I'm almost thirty, I'm not closing my doors.

"Gusto kong ma-in love, sa totoo lang."

Kumpara raw sa past relationships niya, mas madali niyang natanggap ang paghihiwalay nila ni Baste.

Sabi ni Ellen, "Mas madali 'to, mas madali 'to.

"Kasi it's not the first time na nangyari ito.

"Naghiwalay kami, and yung una, I was broken, I was lost.

"Now, sabi ko, 'I’ll be fine.'

"Eventually, naging okay naman ako."

Wala pa naman daw siyang manliligaw, kaya gusto ni Ellen mag-concentrate muna sa Home Sweetie Home, lalo na't regular na siya rito at sa teleseryeng Langit at Lupa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN