Maja Salvador fangirls over Miss Universe 1993 Dayanara Torres

IMAGE Instagram (@iammajasalvador @cutiefriendsofmaja

Dance Princess Maja Salvador and once-upon-a-time local Dancing Queen Dayanara Torres in a huddle for one "fangirling" moment. Will they have a dance showdown on ASAP?


Hindi naiwasan ni Maja Salvador na magpaka-fan kay Miss Universe 1993 Dayanara Torres at mag-post sa Instagram ng kanilang larawang magkasama.

Bumalik ng Pilipinas si Dayanara upang mag-judge sa katatapos na Miss Universe 2016 pageant.

Tinaguriang "Dancing Queen" si Dayanara nang aktibo pa siya sa showbiz dito sa Pilipinas, samantalang itinuturing namang "Dance Princess" ngayon si Maja.

Sa caption, ginamit ni Maja ang mga hashtags na #finally, #fangirling, at #AngGandaNiyaPaRinBes—na mga indikasyong fan talaga siya ng beauty queen.

W/ The Dancing Queen ???? #Finally #FanGirling #HatawNa #AngGandaNiyaPaRinBes

A photo posted by Maja Salvador (@iammajasalvador) on

Sa comments section ng post ni Maja, maraming netizens ang humiling na magkaroon ng showdown ang dalawa sa ASAP.



Inaasahan naman ang paglabas ni Dayanara sa ASAP sa Linggo, February 5, bilang bahagi ng ika-22 anibersaryo ng show.

Isa si Dayanara sa mga orihinal na host ng Sunday musical-variety show ng ABS-CBN, kasama sina Martin Nievera, Pops Fernandez, at Ariel Rivera.

Nang umalis siya ng bansa, nag-artista at nagmodelo rin si Dayanara.

Samantala, tila may iba pang pagkakapareho sina Maja at Dayanara.

Isang netizen ang nag-post ng pinagtabing larawan nina Dayanara at Maja suot ang parehong disenyo ng gown.

Isinuot ni Dayanara ang gold gown, na gawa ni Rajo Laurel, sa Miss Universe 2016 Preliminary Competition noong January 26.

Wala namang detalye kung saan at kailan isinuot ni Maja ang gown na may parehong disenyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN