Rochelle Pangilinan reacts to Aljur Abrenica's remark against Encantadia

IMAGE Instagram of Rochelle Pangilinan

Rochelle Pangilinan says Aljur Abrenica may have to be more careful about his words, especially now that his girlfriend Kylie Padilla is carrying his baby. "Makakasalubong at makakasalubong mo ang mga taong sinasabihan... Siguro mag-focus na lang sa baby nila at kung paano happy si Kylie. Mas maganda na doon na lang mag-focus."


Bagamat magkasama sila sa primetime series ng GMA Network na Encantadia, isa raw si Rochelle Pangilinan sa mga huling nakaalam na buntis si Kylie Padilla.

Ayon sa sa actress-dancer, "Parang Thursday ko nalaman, Sunday or Saturday yata na-announce.

“Wala rin naman kaming time na magkausap sa Enca, palagi akong tulog kung hindi man ako nagte-take.

"Pero, okay, buntis, nasa right age na siya, hindi rin naman siya teenager para sa responsibilidad na yun. 

“Ang pinagpi-pray ko na lang, sana kasal muna sila."

Ang ama ng dinadala ni Kylie ay ang boyfriend nitong si Aljur Abrenica.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rochelle sa opisina ng PPL Entertainment, Inc., nitong Miyerkules, January 31.

RESPECT FOR KYLIE. Sa eksklusibong panayam ng PEP nina Kylie at Aljur, inamin nilang engaged na sila.

Ano naman ang reaksiyon ni Rochelle sa pahayag ni Aljur sa interview ng PEP na parang nagamit ang pagbubuntis ni Kylie para mai-promote ang Encantadia?

Saad ng dating SexBomb member, “Wag naman sanang umabot sa ganun.

"Bilang dating kaibigan ni AJ [palayaw ni Aljur], huwag naman na. 

“Nagre-rate na ang Enca before, bago pa siya mabuntis, so huwag na tayong umabot sa ganun.  

"At maghinay-hinay sana sa lahat ng lumalabas sa bibig, kasi maliit lang ang mundo.

“Makakasalubong at makakasalubong mo ang mga taong sinasabihan. 

“Kung anuman, dapat maging happy na lang tayo sa sitwasyon.

"Dapat tumitingin na lang tayo ngayon sa kung ano ang mga plano nila, huwag na tayong magpasira.

“Napanood ko yung interview niya, siguro mag-focus na lang sa baby nila at kung paano happy si Kylie.

“Mas maganda na doon na lang mag-focus."

Ano naman ang naging reaksiyon ng mga taga-Encantadia?

Ayon kay Rochelle, "Wala, wala silang reaksiyon. Respeto yun kay Kylie.

“Mabait na tao si Kylie at marunong makisama sa tao, respeto na lang yun ng lahat. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And, usually, ang Encantadia staff, marunong namang rumespeto."


Stories We Are Tracking

Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Is Kylie's pregnancy being used for <em>Encantadia</em> promo?
Is Kylie's pregnancy being used for Encantadia promo?
Kylie Padilla on her pregnancy:
Kylie Padilla on her pregnancy: "Sorry, napaaga."

WILL IT EVER END? Nagkausap na rin naman daw sila ni Kylie at nakita daw niyang masaya ito.

"Ang tinanong ko lang sa kanya, ‘Happy ka ba?’ 

“Happy siya… siya naman ang nagdadala ng sitwasyon.

"At nakikita ko sa kanya, kasi kapag alanganin siya, makikita mo.

“Magkasama kami Sunday All Stars pa lang, magkakagrupo kami dati.

"Kapag hindi siya happy sa isang situation, makikita mo sa mukha niya."

Sumagi ba sa isipan ni Rochelle kung ano ang kahihinatnan ng Encantadia ngayong buntis si Kylie?

Si Kylie ay gumaganap bilang Reyna Amihan, habang si Rochelle naman ay gumaganap bilang Agane.

“Hindi naman ako magsisinungaling… 'Paano na, siya ang kapitan ng barko, siya ang reyna?'

“Yun ang naisip ko, yun lang!” natawa niyang pag-amin.

Marami nga ang nalungkot at nag-trending pa ang balitang mamamatay na ang karakter ni Kylie sa Encantadia.

Sabi naman ni Rochelle, "Parang ako, niliulugar ko lang din ang sarili ko.

"Like, hindi ako part ng una, nanonood lang ako. If nabuntis si Iza Calzado that time, malulungkot ako."

Si Iza Calzado ang gumanap bilang Reyna Amihan sa orihinal na version ng Encantadia noong 2005.

Wala rin daw siyang ideya kung hanggang kailan pa ang itatagal ng teleserye nila.

Pero ayon kay Rochelle, “Siguro, like ako, ang pinirmahan kong kontrata, hanggang April.

“Nare-renew naman yun, wala namang sinabi kung hanggang kailan."

Dugtong niya, ”Paano siya makaka-cut short, like kagabi, ang taas ng rating?

"I mean, hindi siya maka-cut short kasi ang daming nanonood, ang daming nagmamahal sa Enca."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN