Heart Evangelista thankful to husband Sen. Chiz Escudero for understanding her lifestyle

IMAGE Instagram (@iamhearte)

Heart Evangelista answers some netizens who comment about her frequent travels abroad.


Sinagot ni Heart Evangelista ang ilang netizens na pumansin sa kanyang lifestyle, kahit na may asawa na siya.

Si Heart ay kasal na kay Senator Chiz Escudero, bagamat wala pa silang sariling anak.

Nagkomento ang isang netizen (@watchandshop) sa post ni Heart at sinabing “puro pasyal” ang Kapuso actress kahit may asawa na ito.

Ang post ni Heart ay kuha mula sa kanyang trip sa Bataan kamakailan.

Sabi ng netizen: “sarap ng buhay mo po miss heart. Sa lahat ng asawa ng politiko kayo po ang puro pasyal.”

Sinagot naman ito ng aktres.

Masuwerte raw siyang magkaroon ng asawang supportive sa kanyang hilig na mamasyal.

“yes I'm very blessed that I have a husband who loves me to see the world :) it's pretty amazing :)”


May isa pang netizen ang nagkomento: “Buti nga kau ni Chiz may knya knyang buhay at hndi kau nagbabantayan. Cla @solennheussaff at Nico din minsan di mgksama pro ok lng.. pangit din kc ung lagi nakapulupot sa isat isa.. hndi kau maggrow kung ganun.. right? Right?! @iamhearte


Sinang-ayunan ito ni Heart, at sinabing hindi siya selosa at malaki ang kanyang pasasalamat na mayroon siyang asawang malawak ang pang-unawa.

“I was never the type to be very jealous and suck the life out of my partner :) and I'm very glad I met someone who is open and mature :) pretty awesome:)”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN