John Lloyd Cruz pressured by his mom to have a child

IMAGE Noel Orsal

John Lloyd Cruz on being pressured by his mother to have a baby: "Umabot na nga sa punto na kahit gaano ka-sagrado Katoliko ang nanay ko, sinabi niya sa akin na, 'Kahit huwag ka nang mag-asawa kung ayaw mo, mag-anak ka na lang muna.'"


Inamin ni John Lloyd Cruz na kinukulit na siya ng kanyang ina kung kailan siya magkakaroon ng anak.

Sa sitcom kasi niya sa ABS-CBN na Home Sweetie Home ay mayroon na silang baby ng kanyang asawa ritong si Toni Gonzaga.

Pahayag ng 33-year-old Kapamilya actor, “Wala, e. Wala pa.

“Alam mo, ang payo sa akin ni… hindi ko na sasabihin kung sino, sabi niya, huwag daw masyadong isipin yun. Darating daw yun kung darating.

“Kahit ang nanay ko rin, hindi makapaghintay.

“Kasi kapag ipinipilit natin, hindi nangyayari, e. So, I’m taking my time.”

Aminado naman si John Lloyd na nakakaramdam siya ng pressure tuwing may mangungulit sa kanyang mag-asawa na.

Saad niya, “Uhm, paano ba? Occasionally, may kaunting pressure, especially pag ang nanay mo nagpaparinig sa iyo.

“Siyempre tumatanda na rin ang nanay ko, especially gusto na rin niyang magkaroon ng apo galing sa akin.

“Pero naiintindihan naman niya.

“Umabot na nga sa punto na kahit gaano ka-sagrado Katoliko ang nanay ko, sinabi niya sa akin na, ‘Kahit huwag ka nang mag-asawa kung ayaw mo, mag-anak ka na lang muna.’

“Pero wala, e. Pero ngayon, wala, e.

“Like I said, occasional ang kanyang pami-pressure. Or occasional na napi-pressure.

Posible bang magkaanak siya kahit hindi kasal?

Sagot ni John Lloyd, “Well, sana hindi.

“Kahit ganito ako, may pagka-ideal pa rin ako.

“Sana makahanap nang partner, maging asawa at magkaroon ng pamilya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd sa presscon ng Home Sweetie Home noong Martes, January 31.

THE ONE. Umaasa raw si John Lloyd na kung sinuman ang susunod niyang makarelasyon ay siya nang magiging ina ng kanyang mga anak.

“Sana, siyempre hindi na rin tayo bumabata.

“And, siyempre, kumbaga, linggu-linggo napagmamasdan mo ang buhay ng kagaya ng isang Toni Gonzaga.

“Napakaimposible na hindi ka mapaisip at mainggit paminsan-minsan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Toni ay may isa nang anak sa kanyang mister na si Paul Soriano.

Kahit daw si Toni ay nagbibiro sa kanya kung kailan siya mag-aasawa at magkaka-baby.

Kuwento ni John Lloyd, “Isang beses, hindi ko ma-contain at nasabi ko na, ‘Alam mo, inggit na inggit ako, at sana makahanap na rin ako ng…’

“Sabi niya, ‘Huwag kang maghanap, darating na lang ‘yan nang kusa.”

Dumating na ba sa buhay ni John Lloyd na inasam niyang magkaroon na ng baby o ng isang relasyong papunta na sa kasal?

Tugon niya, “Wala pa. Hindi pa nangyayari. Hindi pa naman.

“Well, nag-a-apply naman sa lahat, sa karamihan ng aspeto ng buhay, kung ipipilit mo, mas lalong hindi nangyayari.

“Wala, wala akong maalala.”

FAMILY MAN. Hindi pa ba siya handang maging family man?

“Baka, baka… hindi ko alam, e. Hindi ko pa alam.”

Sa pagkakaalam ng publiko, si Angelica Panganiban ang huling nakarelasyon ni John Lloyd.

Napaso na ba siya sa paulit-ulit na pagkabigo sa pag-ibig at nais na muna niyang ipahinga ang kanyang puso mo?

Sagot ng aktor, “Hindi naman. Hindi ko naman pina-plano yun, e.

"Pero for now, parang gusto ko munang mag-concentrate sa mga bagay na gusto ko munang ma-achieve at magawa.

“So, siguro ini-enjoy ko lang muna yung availability ng sarili ko para sa aking mga adhikain.

“So, yun na lang muna. Kung mangyayari yun, mangyayari naman yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN