President Rodrigo Duterte takes a swipe at Baste's relationship with Ellen Adarna

IMAGE PCCO on Facebook / @maria.elena.adarna on Instagram

Naghayag ng pagkadismaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Baste. Hindi na raw kasi ito umuuwi ng bahay at ibinubuhos na lamang ang oras sa ex-girlfriend nitong si Ellen Adarna. 


Inamin ni Pangulo Rodrigo Duterte ang kanyang pagkadismaya sa anak na si Sebastian ‘Baste’ Duterte sa kanyang talumpati sa Davao City ngayong araw, Pebrero 2.

Si Baste ang bunsong anak ni Pangulong Duterte sa una niyang asawa na si Elizabeth Zimmerman.

Naghayag din ng kanyang pagkainis ang Pangulo kay Baste, na matagal-tagal na raw niyang hindi nakikita sa bahay nila.

Mas pinagbubuhusan pa raw ng oras ni Baste ang dating girlfriend na si Ellen Adarna kaysa sa pag-aalaga sa anak nito.

Saad ng Pangulo, “Ang isang bunso, isa pa ring tarantado. Hindi na umuuwi ng bahay. Sige lang doon kay Adarna.”

Si Baste ay may dalawang anak, isang babae at isang lalaki, mula sa magkaibang ina.

Nang nakausap daw ng Pangulo ang isang anak ni Baste, may nadiskubre raw siyang kung ituring niya ay isang “tragedy.”

Tanong daw ng Pangulo sa apo niya kay Baste: "Sinong mahal mo? Papa mo at pati Mama mo?"

Sagot daw ng bata: "Mama lang."

Pakli pa ni Pangulong Duterte, "See, it's a tragedy.”

Naaalala raw ng Pangulo ang relasyon nila ni Baste sa relasyon nila ng kanyang sariling ama.

"Sa bagay, ako man din, I never got well along with my father.

"Alam mo, sa totoo lang, ang tatay ko namatay na never... hindi niya nga siguro akalain na ma-prosecutor ako, ma-mayor ako, because I was just a law student when he died."

Dagdag pa niya, "Iyong tatay ko, Bisaya kasi kami, e, 'Do, hanggang pantalan ka lang.'

"That's an idiom sa Visayan, a cliche.

"Ibig sabihin, trabahador ka lang kasi hindi ka nag-aral."

"'O sige, basta gibayaran [binayaran] lang ako sa kinarga ko, okay naman iyan,'" he recalled telling his father.

- See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/598111/showbiz/chikaminute/duterte-takes-swipe-at-baste-hindi-umuuwi-ng-bahay-sige-lang-doon-kay-adarna#sthash.V3pbUhtv.dpuf

"Sa bagay, ako man din. I never got well along with my father. Alam mo sa totoo lang ang tatay ko namatay na never — hindi niya nga siguro akalain na ma-prosecutor ako, ma-mayor ako, tapos — because I was just a law student when he died," he said.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyong tatay ko, Bisaya kasi kami eh, 'Do, hanggang pantalan ka lang.' That's an idiom sa Visayan, a cliche. Ibig sabihin, trabahador ka lang kasi hindi ka nag-aral," he added.

"'O sige, basta gibayaran [binayaran] lang ako sa kinarga ko, okay naman iyan,'" he recalled telling his father.

- See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/598111/showbiz/chikaminute/duterte-takes-swipe-at-baste-hindi-umuuwi-ng-bahay-sige-lang-doon-kay-adarna#sthash.V3pbUhtv.dpuf


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN