Ellen Adarna looking for a man with good genes: "I want to get pregnant when I'm 30."

IMAGE Noel Orsal

Ellen Adarna wants to have a baby with a guy with good genes: "Kailangang mataas ang IQ (intelligence quotient), matangkad kasi maliit ako."


Bagamat hiwalay na kay presidential son Baste Duterte, tuloy pa rin ang buhay pag-ibig ni Ellen Adarna.

Pero, sa edad niyang 28 years old, wala pa raw sa plano niya ang mag-asawa.

Sa katunayan, mas gusto muna niyang magkaroon ng anak kaysa maghanap ng mapapangasawa.

Pahayag ng sexy actress, "No I don't want to get...

"Actually, sa totoo lang, I don't want to get married.

"Maybe, when I'm forty, gusto ko anak muna.

"And I talked to my parents about it already.

"Yeah, I just need to find a partner na good genes."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) ang Kapamilya actress sa 3rd anniversary presscon ng sitcom na Home Sweetie Home, na ginanap sa 9015 Restaurant, sa ELJ Building, ABS CBN compound, noong January 31.

Patuloy pa niya sa plano niyang magkaanak:

"I told my father that I want to get pregnant when I'm 30, so next year na yun."

Magdiriwang si Ellen ng kanyang ika-29 na kaarawan sa April 2.

Dagdag niya, "Yeah, I'm really going to get pregnant when I'm 30.

"Meron akong ka-deal na magiging daddy. AFAM.

"He was my ex-boyfriend.

"Sabi ko, okey."

Ang AFAM, o “a foreigner assigned in Manila,” ay slang term na ginagamit ng ilang Pinoy para sa mga lalaking banyagang narito sa Pilipinas.

Ayon kay Ellen, nasa genes ng kanyang ex-boyfriend ang gusto niyang maging anak.

Saad ng actress-commercial model, "Yeah, kailangang mataas ang IQ [intelligence quotient], matangkad kasi maliit ako.

"Bahala na, and if he ends up with me, bahala na basta.

"Basta sa taong mai-in love ako, why not?"

Ibig bang sabihin nito ay gusto niyang maging single parent for life?

Pagdadalawang-isip ni Ellen, "Gusto kong mag-asawa at magkaanak sa taong mahal ko.

"E, parang hindi ko pa alam, e. Hindi ko pa alam. Malabo pa, e.

"For now, dahil sa hindi ko pa alam, at thirty [years old] ang target ko, anak na lang muna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okey lang ba sa kanyang magkaanak sa isang foreigner, pero hindi naman niya mahal?

Giit niya, "No, I have to like him.

"I need to like him at kailangang may koneksiyon.

"HIndi lang naman yung pupulutin ko sa mga gilid-gilid."

Handa raw si Ellen mawala pansamantala sa showbiz sakaling siya ay mabuntis.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna reveals Baste broke up with her via text
Ellen Adarna reveals Baste broke up with her via text
Ellen Adarna moving on post-Baste Duterte
Ellen Adarna moving on post-Baste Duterte
Baste Duterte reveals real score with Ellen, non-showbiz GF
Baste Duterte reveals real score with Ellen, non-showbiz GF


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN