How will John Lloyd Cruz celebrate Valentine's Day?

IMAGE Noel Orsal

John Lloyd Cruz on being single on Valentine's Day: "Hindi naman po naimbento ang Valentine's Day para lang sa mga may partners at minamahal sa buhay."


Matagal-tagal na nang mabalitang naghiwalay ang Kapamilya stars na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

Pero dahil wala pa rin sila parehong naipakikilalang bagong karelasyon at tila maayos pa rin ang samahan nila, hindi maiiwasan ng ilang mag-isip na maaaring nagkabalikan ang dating magkasintahan.

Agad naman itong itinanggi ni John Lloyd sa press conference ng ikatlong anibersaryo ng Home Sweetie Home, sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound, noong Wednesday, February 1.

Dahil dito, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters ang nananahimik na puso ni John Lloyd.

“Tahimik po, pero humihinga pa siya, tumitibok-tibok pa,” natatawang sagot ng Kapamilya actor.

Na-miss niya rin ba yung ganitong wala masyadong isyu pagdating sa kanyang lovelife?

“Hindi naman, okey lang tayo,” tugon niya.

“Ang importante, well, hindi ko naman siya masyadong iniisip.

“Hindi ko naman siya masyadong binibigyan ng moments.”

Ang pagkakaroon ng girlfriend, hindi ba nami-miss ni John Lloyd?

“Anong nami-miss?” natatawa muling sagot niya.

“Tina-try ko kasing i-compare. Siyempre, magkaiba naman yun.

“Ngayon, I have other priorities.”

Kahit single, maaari pa rin naman daw niyang ipagdiwang ang nalalapit na Valentine’s Day.

Kung papaano, ito ang sagot ng 33-year-old actor, “Pagmamasdan ko yung masasayang puso at aasa kang mahahawa ka sa kanilang kaligayahan at kasiyahan.”

Diin pa niya, “Hindi naman po naimbento ang Valentine’s Day para lang sa mga may partners at minamahal sa buhay.

“Hindi naman siguro ibig sabihin na porke’t single ka, hindi ka puwedeng mag-celebrate rin.

“I celebrate with my friends.”

Sa ngayon, hindi raw nakikipag-date si John Lloyd.

Kaya naitanong ng reporters kung hindi ba malungkot ang walang ka-date sa Valentine’s Day.

“Grabe kayo, grabe kayo,” sambid ng aktor sa entertainment reporters.

Hindi naman daw ngayong taon ang unang pagkakataong single siya sa sinasabing Araw ng mga Puso.

“Maraming paraan [para ipagdiwang ito]. Maniwala ka, maraming paraan. Marami naman talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sakaling hindi i-date ng daddy ko ang mommy ko, I’ll gladly date my mom out.

“Parang ‘eto, last weekend… Now, I really appreciate my time with my Mom.

“Siyempre, hindi naman na bumabata ang Mommy ko.

“And talagang buong-buo sa akin, yung I really want to spend more quality time with my Mom.

“Alam mo, life is too short.”

PRESSURED TO HAVE KIDS. Napag-usapan na rin ang kanyang nanay, ikinuwento ni John Lloyd na mismong mommy niya ay nagtatanong kung kailan niya ito mabibigyan ng apo.

Nakaka-pressure daw kung tutuusin. Pero ang tanong, handa na ba siya ngayon na maging daddy?

“I don’t think it’s a question kung ready or hindi,” sagot ni John Lloyd.

“Tingin ko kasi, kapag dumating siya, ready or not, yun na yun, e, ‘di ba?

“Nandoon yung magic. Doon nakapaloob yung moment na hindi ka sigurado, then, game, tatalon ako.

“Parang tingin ko, actually, dun ako excited.

“Bihira, if not once lang yun na mangyayari sa ‘yo.

“Parang kapag dumating yung moment na yun, doon ako excited.”


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz pressured by his mom to have a child
John Lloyd Cruz pressured by his mom to have a child


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN