Boobay on Marian Rivera: "Siya yung angel ko, siya yung savior ko."

IMAGE Photo grabbed from GMA News

Boobay says he will always be grateful to Marian Rivera for showing up when he needed help the most.


Emosyonal ang Kapuso comedian na si Boobay, a.k.a. Norman Balbuena, habang ikinukwento na si Marian Rivera ang kanyang tagapagligtas nang ma-stroke siya noong November 2016.

Nitong Enero ay bumalik na sa trabaho si Boobay matapos maka-recover sa mild stroke last year.

Kwento ni Boobay, sa isang episode ng Tunay na Buhay ng GMA News and Public Affairs noong February 1, isa ang Kapuso Primetime Queen sa mga naunang tumulong sa kanya nang isugod siya sa ospital.

Aniya, “Ang angel ko si Marian. Ayaw niyang binabanggit ang pangalan niya sa ganito pero malaking pasalamat talaga sa kanya."

Lahad ng komedyante sa friendship nila ni Marian, “Sa dinami-dami ng ano niya, di ba, pwede niyang maging kaibigan, kami yung ano.

“Sabi nga, ano daw talaga yon, naka-ano na daw talaga kay God na maging magkaibigan [kami].”

Nang ma-confine siya sa ospital, si Marian at ang partner ni Boobay na si Kent Resquir ang madalas magkausap.

“Dumadalaw-dalaw, sila yung nag-uusap ni Kent,” ani Boobay tungkol sa pagkakalagi niya sa ospital.

Hanggang ngayon ay buhos ang papuri niya sa aktres, “Siya yung angel ko, siya yung savior ko. Sobrang bait niya. Basta, I love you.”

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Marian at Boobay nang magkasama sila sa reality show ng GMA na Extra Challenge noong 2012.

Kasama ni Marian noon bilang main co-host si Richard Gutierrez.

Sa simula ay hindi raw makalapit-lapit si Boobay kay Marian.

“Noong una lumalayo-layo pa ko kasi natatakot ako sa kanila ni Richard, so palagi ako sa kabilang tent, ganyan.

“So bigla niya ako pinatawag, ‘Halika nga dito. Bakit ka lumalayo-layo d’yan?' Ganyan,” kwento ni Boobay.

Nagkatrabahong muli ang dalawa sa morning show na Yan ang Morning noong nakaraang taon at ngayon ay muling magkasama sa Sunday Pinasaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN