Maja Salvador in no hurry to fall in love again

IMAGE Beatriz Partosa

Maja Salvador has become cautious about falling in love again, "Ang dami kong natutunan sa bawat relationship ko. Since I'm twenty-eight now, hindi lang ako yung basta-basta papasok bigla sa relasyon."


Buo pa rin ang desisyon ni Maja Salvador na huwag munang pumasok sa anumang romantic relationship.

Paliwanag niya, “Choice din naman, at saka trabaho.

“Parang ang dami nang nangyari sa akin sa buhay pag-ibig, so kailangan ko lang na mag-ingat or magdahan-dahan na.

“Hindi lang yung porke na-in love kaagad, go, pasukin mo na agad.

“Di ba ganun naman kapag na-hurt ka, nasaktan ka, kailangan mong nandoon lang.

“Kasi, siya yung magbubuo uli at siya yung maghahanda sa iyo para sa The One.

“Tulad nga ng sinabi ko, alam ko namang magdahan-dahan na, hindi ako yung parang nai-excite kaagad.

“More on nandoon ako sa realidad na para maging realistic lang tayo kung ano yung puwedeng mangyari.”

Agad din nilinaw ni Maja na hindi ang ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson ang tinutukoy niya sa kanyang mga nasabi tungkol sa pinagdaanang kabiguan sa pag-ibig.

Saad pa niya, “Hindi naman siya. Hindi naman siya yung huli.

“Siyempre, ang dami ko rin namang naging past relationship ko, na parang ang dami kong natutunan sa bawat relationship ko.

“Yun, since I’m twenty-eight now, hindi lang ako yung basta-basta papasok bigla sa relasyon.

“Kailangan, siyempre, kung sinuman yung susunod, kung sinuman yung guy na yun, makitaan ko siya na puwede siyang maging The One.

“Showbiz or non-showbiz, gustuhin ko man non-showbiz, merong hindi naiintindihan yung trabaho natin.

“So, kung ano ang ibigay ng Diyos, non-showbiz or showbiz, as long matatanggap ako or matatanggap yung trabaho ko at maiintindihan ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa presscon para sa lalabas nilang movie ni Paulo Avelino, ang I’m Drunk, I love You, na ginanap sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, QC.

NOT BITTER. Tungkol sa friendship at love ang laman ng pelikula, kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja kung naging magkaibigan muna sila ni Gerald bago na-in love sa isa’t-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw sila naging close, “Parang ang nangyari lang kasi noon, kaibigan siya ni Rayver [Cruz], nagkaroon ng chance na mag-usap kami.

"'Tapos nung pelikula naming 24/7 In Love, parang kami yung magpu-promote sa Davao.

“Parang kami lang yung dalawang artista, so two hours flight, tsikahan.”

Matapos ang kanilang relasyon, naging civil sila sa isa’t-isa?

Lahad ng Kapamilya actress, “Siyempre, nasaktan namin ang isa’t-isa at nasaktan naman niya ako.

“So hindi lang naman yun na magkaibigan or mag-best friend na nag-away.

"'Tapos nasaktan ka ng kaibigan mo, matatanggap mo.

“We had this special relationship na… pero at least civil naman kami ngayon.

"Hindi naman kami hindi nagpapansinan, we’re still talking.”

May posibilidad kayang maging magkaibigan uli sila?

Sagot niya, “Basta, okey ako, wala akong ka-bitter-an sa kanya, wala akong galit sa kanya.

“Kung sa project, hindi naman ako nagku-close ng pinto.

"Kung maganda yung project, why not?”

NO SECOND CHANCES. Ngunit malabong bigyan raw uli ni Maja ng chance ang kahit sino sa kanyang mga exes sakaling may manligaw ulit sa mga ito.

Diin niya, “Once I’m done, I’m done. Gusto ko hindi na.

“Siyempre, ayaw ko na, sana huwag na.

“Pero hindi natin alam. Sa ngayon nandoon ako sa huwag na, move on.

“Kasi alam n’yo naman ang mga napagdaanan ko. Parang gusto ko bang balikan yun? Ready ba ako?

“Hangga’t maari, huwag na lang.”

Tungkol naman sa muling pagkakamabutihan nina Gerald at Bea Alonzo, sabi ni Maja, “Huwag na akong umarte, nauna naman ang Bea-Gerald.

“Alam ko, they’re still dating; wala pa naman silang sinasabi kung nagkabalikan na ba sila.

“Pero sabi ko nga, if Bea is happy, magiging masaya ako dahil si Bea, kaibigan ko siya.

"Mahirap mang intindihin, pero kami ni Bea, friends talaga kami.”

REALIZATION. Sa mga nagdaaang pag-ibig, marami raw natutunan si Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paniniwala niya, “Ang love hindi lang siya yung love mo siya dahil boyfriend mo siya.

“Ang love is yung mahina man siya o malakas man yung boyfriend mo, may pinagdadaanan man, may maling ginawa or tamang ginawa...

"Sinaktan ka man niya o bumawi siya, yung love buong-buo, hindi ka magi-give up kaagad.

“Di ba meron, kapag nasaktan tayo, ayaw mo na.

“Yun ang natutunan ko na iba-ibang klase ang meaning ng love.

"At mas malaki pa pala ang meaning ng love kaysa doon sa alam natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN