Daniel Matsunaga defends Erich Gonzales amidst third-party rumor

IMAGE Noel Orsal

Daniel Matsunaga asks netizens to give him and girlfriend Erich Gonzales some privacy amidst breakup rumor: "Even after everything that happened between the two of us, we both respect each other." 


Sumagot muli sa Daniel Matsunaga, 28, sa comments section ng kanyang Instagram account kaugnay ng usap-usapang hiwalay na sila ng girlfriend na si Erich Gonzales, 26.

Dahil sa patuloy na pananahimik ng dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon, marami sa kanilang mga tagasuporta ang nagtatanong at nanghuhula kung ano ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

May mga bashers ang nagsasabing ginagamit lamang ni Daniel si Erich para sa kanyang career.

Meron ding bashers na inaakusahang mayroon nang nakilalang iba si Erich kaya hiniwalayan si Daniel.

Kaya naman nitong weekend, muling sumagot si Daniel at nagpaliwanag sa mga netizens na walang katotohanan ang kanilang mga hula o nababasa, kagaya ng nasulat sa isang gossip blog site.

“Listen everyone...this is already getting out of control...what you guys read has nothing to do with what happened between me and erich...FP [Fashion Pulis] is all lies and i dont know where that came from...,” komento ni Daniel.

“Even after everything that happened between the two of us, we both respect each other and there is nothing like that...non sense!

“i know Erich and she would never do such a thing...

“And to all the haters...I just pray that God changes your heart...

“God bless you guys,” pagtatapos ng mensahe ni Daniel.


Nauna nang nagmensahe ang Brazilian-Japanese model na walang third party involved sa kung anuman ang pinagdadaanan nila ni Erich.

Nakiusap din ang dating Pinoy Big Brother grand winner na iwan na sa kanilang dalawa ni Erich kung anuman ang pinagdadaanan nila.

READ: Daniel Matsunaga quashes third-party talk in rumored breakup with Erich Gonzales

Pero hindi ito sapat para patahanin ang mga netizens at tagasuporta ng DanRich—ang tawag sa love team nina Daniel at Erich—bagkus, mas dumami pa ang kanilang komento.

Kinumpirma ni Daniel ang relasyon nila ni Erich noong May 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago iyon, nagkatrabaho ang dalawa sa ABS-CBN primetime series na Two Wives, kung saan pumasok si Daniel ilang buwan bago matapos ang serye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN