Pumanaw na ang partner ni Nadia Montenegro na si dating Caloocan City Mayor Macario “Boy” Asistio Jr. ngayong umaga ng Lunes, February 6.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Nadia na ika-10:55 ng umaga nalagutan ng hininga ang dating alkalde sa edad na 80.
Isinugod sa isang ospital sa Quezon City si Boy noong February 1, Miyerkules, dahil sa cardiac arrest.
Comatose siya nang ma-confine sa ospital.
READ: Nadia Montenegro requests for prayers for ailing partner Boy Asistio
Nagkaroon ng walong anak sina Nadia at Boy, na nagsama ng 27 taon.
Kabilang dito ang dalawang pumasok sa showbiz, sina Ynna (25) at Alyana (22).
Nagsilbi si Boy bilang mayor ng Caloocan noong 1980 hanggang 1986 at noong 1988 hanggang 1995.
Noong 2013, muli siyang tumakbo sa pagka-mayor, subalit natalo ng kasalukuyang mayor ng siyudad na si Mayor Oscar Malapitan.
NADIA’S MESSAGE TO BOY. Samantala, bukod sa announcement ng pagpanaw ni Boy, isang mahabang Instagram post ang nilagay ni Nadia bilang tribute sa kanyang partner.
Pinuri ni Nadia si Boy bilang isang partner, ama, public servant, at tao.
“I now carry a smile knowing you are with Our Heavenly Father. I am at peace knowing that the gates of heaven has opened for you to live eternally. Thank you Tart for the best 27 years of my life,” bahagi ng post ni Nadia.
“I will just have to learn to live life without you. I will miss you so much my King!!! Rest na Tart! I will love you till my dying day! You are irreplacable.”