Nathalie Hart sets real score between her and Cedric Lee

IMAGE Instagram @imnathaliehart / Jocelyn Dimaculangan

Nathalie Hart on being romantically linked to Cedric Lee: "We cannot be together kasi, kilala ko yung tao, e. So, parang alam ko yung mga kalokohan niya. And, no way. So, you can see, I'm with my friends, at pareho kami ng barkada."


Halos napasigaw ang sexy actress na si Nathalie Hart nang makarating sa kanya ang usap-usapang sila na ng controversial businessman na si Cedric Lee.

Nagsimula ang bali-balitang ito sa isang larawan kung saan nakunang magkatabi sina Nathalie, Cedric, at dalawang non-showbiz friends ng dalaga.

Bulalas ni Nathalie, "No! He's a friend of mine.

"Sino may sabi? 'Cause I posted an Instagram photo?

"That’s why?”

Mariing tanggi ulit ng sexy actress, "No way, no way! He has a girlfriend.”

Ayon kay Nathalie, magkaibigan lang talaga sila ni Cedric.

"We cannot be together kasi kilala ko yung tao, e.

“So, parang alam ko yung mga kalokohan niya. And, no way.

"So, you can see, I'm with my friends, at pareho kami ng barkada," giit niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nathalie pagkatapos ng presson ng pelikulang Balatkayo ng BG Productions, na ginanap sa Marco Polo Hotel, sa Ortigas, Pasig City, noong Linggo ng gabi, February 5.

Patuloy ng dalaga, wala siyang dapat itago kaya malakas ang loob niyang ibahagi sa kanyang Instagram account ang group photo nila ni Cedric.

Super fun birthday and my dance partner @ria_garcia

A photo posted by Nathalie Hart (@imnathaliehart) on

Naniniwala si Nathalie na nabigyan lang ito ng malisya dahil pareho silang kilala ni Cedric sa sirkulo ng showbiz.

Sabi ng 24-year-old actress, "Kaya nga, for them, it means something.

"Pero, no way…”

Sakaling maging single si Cedric at manligaw ito sa kanya, tatanggapin ba niya?

Sagot ni Nathalie na halos mapasigaw ulit, "Oh, my God! No way!

"That's not gonna happen.

"He's a good friend of mine, ang hirap.

"Parang kapatid mo. Paano mangyayari yun?

"No, it's not gonna happen.

It's [not] gonna work, at hindi kami magkakatuluyan dahil iba ang gusto ko!"

Dagdag ni Nathalie, "Kasi, ang tanong dun, kahit single kami, ang ano diyan, kailangan na you gonna be attracted and connected to each other.

"Dahil kung hindi, nganga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Cedric ang negosyanteng nasangkot sa paggapos, pagbugbog, at pananakot sa Kapamilya actor na si Vhong Navarro noong 2014.

Sa puntong ito, sinabi ni Nathalie na aminado siyang kumapit ang kontrobersiyang iyon kay Cedric.

Aniya, "Ako naman, kahit anong nangyari sa kanya, it doesn't mean na I'm not allowed to be friends with him anymore.

"Kung kaibigan ko 'yan, kaibigan ko 'yan.

"Wala naman akong pakialam kung ano ang nagawa niya.

"Kung ano man ang nagawa ng taong 'yan, kung ano man ang naging kaso niya, I don't really care."

Dugtong ni Nathalie, "Basta ako, labas na ako sa isyu niya.

"Kung kaibigan ko ang tao, kabigan ko. At kung tanungin ako ng tao, 'Go, fine.'

"Pero, that's really impossible."

Sa ngayon, hindi raw sila nagkikita ni Cedric dahil bukod sa paga-artista ay nagtatrabaho rin ang dalaga sa isang opisina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN