Ai-Ai delas Alas postpones wedding with Gerald Sibayan originally set for 2017

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas reveals reason for postponing wedding plan with boyfriend Gerald Sibayan: "Siyempre, 'no, gusto ko na maging single naman ako nang mahaba-habang panahon."


Isa sa mga hinahangaan daw ni Ai-Ai delas Alas sa boyfriend na si Gerald Sibayan ay ang mga ginagawa ng binata para pakiligin siya sa tuwing espesyal na okasyon.

“Consistent 'yon, na every monthsary namin, may bulaklak 'yon. Napakaimposible na wala.

“Minsan nga nakakalimutan ko na, 'O, bakit may bulaklak dito?' 'Monthsary natin.' 'Ay, oo nga, 'no?'

“Talagang doon ako humahanga ako sa kanya, hindi niya nakakalimutan talaga,” paglalahad ng tinaguriang Comedy Concert Queen, noong Huwebes, February 2.

Nakausap si Ai-Ai ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Valentine's Day concert na Hugot Playlist, na pagsasamahan nila nina Ogie Alcasid at Erik Santos.

At kapag mahahalagang okasyon, dagdag ni Ai-Ai, “Dine-date niya ako kapag anniversary namin.”

Pero tila hindi ito mangyayari sa darating na Valentine's Day dahil nga ang concert nila ni Ogie at Erik ay gaganapin sa mismong February 14, sa Kia Theater, sa Quezon City.

Ngayon, sa bahay lang," sabi ni Ai-Ai sa magiging selebrasyon nila ni Gerald. "Kasi nga may show ako. Alam niyang pagod na ako, kaya sa bahay na lang.”

POSTPONES PLANNED WEDDING. Ganunpaman, nilinaw ni Ai-Ai na ipagpapaliban muna nila ni Gerald ang plano nilang pagpapakasal ngayon taon.

Ayon sa 52-year-old comedy actress, siya ang humiling sa kanyang 23-year-old boyfriend na iurong muna ang kanilang plano.

Sabi nito, “Parang gusto ko munang maging single.

Kasi, di ba, two or three years ago ang divorce ko, pero 'yong parang recognition dito sa Philippines, kakalabas lang last year.

So, gusto ko tumagal naman ang pagiging single ko.”

Ikinasal si Ai-Ai sa dating boyfriend na si Jed Salang sa Las Vegas, Nevada, noong April 2013.

Naghiwalay sila matapos ang 29 na araw.

Noong nakaraang taon lamang na-recognize ng isang Philippine court ang kanilang pagkaka-divorce.

May na-miss ba si Ai-Ai sa pagiging single kaya niya hiniling ang postponement kay Gerald?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman, kasi pinapayagan naman niya ako at hindi naman ako palalabas,” sagot ni Ai-Ai.

“'Yon lang feeling na single ako for a while kahit sa papel.

“Kasi hindi naman ako single, may boyfriend ako.

Kahit sa papel lang, gusto ko naman manamnam na single ako nang mahabang panahon.”

Naaaliw pang kuwento ni Ai-Ai tungkol sa reaksiyon dito ni Gerald, “Sabi niya, parang, 'When you're ready.'

“Kasi nga, parang ako 'yong [nagsabi] na huwag muna.

“Sabi niya, 'Twenty one years old?' Siya talaga 'yong ano... yun ang comment niya.

Sabi ko, siyempre, 'no, gusto ko na maging single naman ako nang mahaba-habang panahon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN